Kwentong Tatay

958 18 0
                                    

Hindi na kami magkasama ng tatay ko. Nang magkita kami nung isang linggo pa, binigyan ko sya ng cellphone para may komunikasyon kami. May dalawang text nya ang ikinagulat ko. Una, tinanong nya ako kung mahal ko raw ba sya. Ikalawa, bilhan ko raw sya ng itim na sapatos at slacks kahit raw sa ukay kasi iglesya na raw sya. Ewan pero naiyak ako. Hindi ko alam ang kasalukuyang pinagdadaanan nya, pero nagtitiwala ako na may nabago na kay tatay na di na tulad ng dati. Buong buhay ko, hindi ko pa sya nakita at nakasamang magsimba. At sa tanong nya sakin, syempre mahal ko sya, mahal na mahal.

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon