Ang Libro ng Poot at Paghihiganti

3.9K 47 2
                                    

Ang Libro ng Poot at Paghihiganti

Darating ang araw, hindi na kita makikita

maririnig o madadama man lang

tulad ng aking kagustuhan noon pa man.

Isa kang alikabok na di maiiwasan

palaging nariyan kahit di kailangan

perwisyo sa aking naghihingalong paningin

at dahilan ng aking kalbaryo tuwing tag-ulan.

Gagawa ako ng kuwento at ito'y ilalagay sa libro

kung saan ikaw naman ang makakikita,

makaririnig at makadadama

ng lahat ng sakit na iyong dinulot sa akin.

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon