Ang Hangganan

1.6K 34 7
                                    

Ang Hangganan 

 

 

Sinipat ko ang aking sarili sa salamin

Tunay na hindi ako perpekto

Ngunit sinong tao ba ang tulad nito?

Na waring ikinubli lahat ng mali

At naaninag ay maskarang kapuri-puri

Sinipat ko ang mga bagay na aking pag-aari

Totoong hindi magarbo’t kumpleto

Ngunit sinong tao ba ang marunong makuntento?

Na hindi naghangad ng sobra at bago

At hindi humiling ng imposibleng hangarin

Sa sandaling bawiin Niya ang kalahatan

Aling bagay pa ba ang bibigyang-saysay

Sinong tao pa ba ang titingalain at hahangaaan

Kaninong buhay ang makalalamang

At Saang sulok pa maaaring magdiwang?

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon