Maikling sulat para sa aking Nanay

1.3K 31 4
                                    

Maikling sulat para sa aking Nanay

Mahal kong Nanay,

Miss na miss na kita! Miss na miss ko na banggitin yung 'Nanay'. Miss na miss ko na kung gaano kasaya maging isang anak na ang Nanay ay ikaw. Miss na miss ko na ang lahat sa'yo.

Alam mo Nay, ga-graduate na ako ng college. Sana andito ka pa. Kasi alam ko na kung marami man ang maging proud sa akin, ikaw pa rin po ang pinaka-proud sa lahat! Sabi po sa akin, baka raw umakyat ako sa stage ng may medalya. Gusto ko po sana ikaw ang magsabit sa akin nun. Kasi para sayo ko naman po yun iniaalay. Tulad din po nung high school, nung grumadwyet ako na may medalya rin, para sayo rin yun! Kaso hindi naman ikaw ang nagsabit sakin nun. Kaso wala ka nung sandali ring yun ng pagtatapos ko. Ngayon Nay wala ka na naman. Kahit anong hintay ang gawin ko alam kong hindi ka naman darating. Alam ko na di dahil sa ayaw mo at di mo ko mahal. Sadyang masyado ka na kasing malayo sakin. Malayung-malayo.

Gusto ko pong sabihin sayo na masayang-masaya po ako kasi hindi po nasayang lahat ng ginawa kong pagsisikap at pagtityaga. Dahil sa'yo yun. Masayang-masaya po ko kasi alam kong kahit di na tayo magkasama, alam kong patuloy nyo pa rin akong ginagabayan. Masayang-masaya po ko kasi nagamit ko lahat ng karunungang itinuro mo sakin simula nung bata pa ako. Pero Nay, mas magiging masaya yung masayang-masaya kung nandito ka pa rin sa mismong tabi ko. Kung nandito ka at ikaw mismo ang nagsasabit ng medalya sa akin. Medalya na para sa'yo.

Salamat Nay. Mahal na mahal kita!

Jepoy

***

Author's Note: Sinulat ko ito taong 2011 bago ako grumadweyt ng college. Salamat sa pagbabasa!

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon