Makinig tayo ng kanta

85 3 1
                                    

Makikinig ako ng musika. Pakikinggan ko ang mga kantang dati ko ng alam at napakinggan. Hindi dahil paborito ko ang mga ito. Makikinig ako upang balikan ang isang alaala. Maramdaman ang isang lumang damdamin - malungkot man o masaya. Kapag tinugtog ko ang musika ng The Beatles, automatic kasama ko na uli ang Nanay ko, katabi ko siya habang nananahi siya. Hindi ko alam pero ang Tatay ko ang naaalala ko pag Bakit ba ng Siakol ang kanta, tapos napapatanong din ako bakit pinagpalit niya ko sa bago niyang asawa. Nakakatawa pag nadidinig ko ang mga kanta ni Jolina, nagiging maliit na bata uli ako na pahirapang pinapatulog sa hapon ng mga tiyahin na dating kumupkop sakin. Pakiramdam ko, kasama ko ang Air Supply sa paglaki ko dahil andun din sila sa larawan ng kabataan ko habang nakikipaglaro sa kalsada. Si Britney Spears binabalik ako nung high school kasama ang mga una kong naging tunay na kaibigan. Matamis at mapait ang dala ng Maroon 5 sakin, maluluha habang nakangiti sa alaala ng isang taong minsan ay naging mahalaga sakin. Mahiwaga talaga ang dulot ng isang tugtugin. Para din pala siyang time machine. Hindi ka lang nito ibabalik sa isang lipas na panahon o lugar na dati mong narating, dadalhin ka din sa isang pakiramdam na kamuntikan mo ng malimutan. 🎙🎶

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon