Chapter 8

119 7 0
                                    

Jane PoV

"Naayos mo ba lahat? Honey?" Tanong ko habang isa-isa kong chincheck ang mga papeles na kailangan ng pirma ko.

"Yes naman madam me pa ba?" Masigla nitong sambit

Sana ol masigla samantalang ako kanina pa bagot, piste nakakatamad ngayong araw! Gusto ko nalang matulog o kaya'y kumain ng kumain!

Agad akong nagulat nang may bigla nalang pumasok sa opisina ko kaya agad kong nakuha ang baril ko at agad na tinutok iyon sa pumasok.

"Ma'am naman! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ni rony imbestigador ko.

"Hindi ba uso sayo ang pagkatok rony?!" Naiinis kong sambit

Agad kong itinago ang baril at umupo.

"May balita na po ako sa step dad niyo"

"Spill it"

"Nalaman niya na kinuha niyo po si jay-jay galit na galit siya pero para talaga siyang baliw ma'am! Nagdabog siya tas maya-maya tumawa, parang may binabalak siya sa inyong masama"

Agad namam akong natawa sa sinabi niya, akala ko naman ay kung ano na ayun lang pala.

"Pinagloloko mo ba ko rony? Ayan na ang pinaka panget mong balita sakin, wala na kong takot sa kamatayan rony alam mo ya---"

"Pero kasi Ma'am mukhang may balak siyang idamay na ibang tao"

Ibinalik ko ang atensyon ko sa binabasa ko, lagi nalang siyang ganiyan hays.

"Ang mga kaibigan ko nanaman ba? Wala rin silang takot at sinasabi ko sayo na nung dati ay sinugod niya kami---"

"Si Josh Cullen Santos ang gusto niyang idamay"

Napatigil ako sa pagbabasa at agad na tumingin sa kaniya.

"Ma'am wag naman ganiyang tingin hehe, natatakot ako eh"

Ramdam ko sa boses niya na kinakabahan na siya dahil uutal na siya.

"Kumikilos na ba siya?" Tanong ko

"Nagsisimula na po, may plano na siya Ma'am"

Napatalon siya sa gulat sa kadahilanang nahampas ko ng malakas ang mesa.

Ang ayaw ko sa lahat ay dinadamay ang ibang inosenteng tao na walang nagawang masama.

Ayaw na ayaw ko na idamay niya ang mga minamahal ko sa buhay...

Tama na yung pinaghiwalay niya kami noon at nung pinatay niya ang mama ko....

"Honey?"

"Yes Madam?"

"Please pakisabi sa mga kaibigan ko na may mahalaga akong sasabihin asap!"

"Y-yes madam!"

Agad naman itong lumabas at tiyak akong tatawagan na niya yung lima.

"Rony mag-imbestiga ka pa, mag-ingat ka lalo may nararamdaman akong sinasadya niya toh alam kong alam na niyang nagt-trabaho ka sakin"

Kilala ko siya, hayop siya oo pero matalino din yung kulubot na yon.

"Yes Ma'am, magdadagdag nalang siguro ako ng makakasama"

"hmm, Makakaalis ka na salamat"

Yumuko siya saglit at agad na umalis.

"Mukhang kailangan kong madikit sa lalaking yun, Ayaw kong masaktan siya uli tama na yung nangyari noon"












"Wala ka ng choice jan" sambit ni Gnrous

"Kahit naman hindi mangyayari toh ay lalapit pa rin ako sa kaniya" wika ko

Agad silang naguluhan kaya tinawanan ko sila.

"I'm still inlove at him, at tsaka kahit anong gawin ko pagtatagpuin pa rin kami awit"

Napakamot ako sa aking batok at uminom ng malamig na tubig.

"Yung matandang kulubot na talaga na yon ayaw tumahimik, lumayo ka na nga eh! Maayos na rin ang ugnayan mo sa pamilya ni lincoln ano pa ba ang gusto niya?" Naiinis na sambit ni Trisha

"Ako ang kailangan niya hangga't hindi niya ko napapatay hindi siya titigil piste"

Ano siya hello? Hinding hindi ko hahayaang mapatay niya ko tsk.

"Kailangan maunahan mo siya" wika ni Gnrous

"Yeah, Kailangan matapos ko na toh agad, ayoko na ng ganito. Gusto ko ng mabuhay ng matiwasay!"

Kailan ko nga ba matatamasa yun? Gusto ko na ng normal na buhay, ayoko namang habang buhay kaming ganito naghahabulan, nag-uunahan...

Kailangan ko na siyang patayin dahil kung kulong lang naman ang mangyayari ay parang wala lang lahat ang pinaghirapan ko, pinakulong ko na siya noon pero anong nangyari? Nakalabas rin dahil naglabas ng pera...

Ano nga ba ang pipiliin nila? Hustisya o pera? Madaming pumipili sa pera kaysa sa hustisya na ikinagagalit ko...

Matusta sana sila sa impyerno!





PRESENT

DON'T FORGET TO VOTE!!

HI! INTERACT WITH ME PLEASE T^T

GUSTO KO KAYONG MAKILALA AT MAPASALAMATAN HUHU T^T

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon