Chapter 6

99 9 0
                                    

Josh PoV

Totoo ba ang sinabi niya? Nangibabaw sa loob ko yung panghihinayang sisi..

Sana pala ay pumunta ako kahapon edi sana eh kahit papaano maiiwasan niya yun.

Nalaman ko kay keith na sinaktan si Jane, paano niya nalaman? Nagdidilig daw siya ng mga halaman kahapon sa bahay nila Jan nang marinig niyang may umiiyak nung sinundan niya yung iyak ay nakita niyang duguan si jan....

Hinintay niya rin ako ngunit hindi ako tumupad sa usapan namin...

Argh josh naman!!!

"San ka punta dre?"

"Sama ako sayo keith"

"Sakto naghahanap pa sila ng isang hardinero! Marunong ka naman eh diba? Tara!"

Magiging hardinero ako para makausap ko si jan, ito na lang siguro ang puwedeng paraan para makausap ko siya baka kasi hindi ako payagan ng papa niya tsk.

"Siya ba yung sinasabi mo iho?"

Wiw ang bilis naman?

"Opo nay! Magaling yan!"

Tinignan niya ko mula pababa pataas at tinanguan nalang si keith.

"Sige puwede na kayong magsimula pero kakausapin ko muna siya"

Magiging hardinero na nga lang ako may interview pa? Awit.

Tinanguan ko nalang si keith, tumango na lang rin siya at umalis.

"Alam ko na ang pakay mo talaga dito ay si Jane"

Paktay! Paano niya nalaman?!

"Magpapali-----"

"Huwag kang kabahan ano ka ba! Nanay beth nalang itawag mo saakin, Kahapon ka pa niya hinihintay binasa mo pala ang sulat"

Ah naalala ko na! Siya yung nagbigay sakin kagabi!

"Wala po ba siyang cellphone?"

"Para saan pa? Kung wala naman siyang kaibigan, tara iho sumama ka sakin wag kang mag-alala wala dito ang step dad niya"

Step dad???

"Siya na ang magkkwento sayo pero sa ngayon ililibot muna kita dito sa mansyon na may kunting kuwento para may alam ka papaano kung ano ba talaga ang nangyayari dito sa magandang bahay na toh" nakangiti nitong sambit

Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya nang naglakad na siya.

"Alam mo naman na matagal na tong bahay na toh kaya nga nangttrip kayo ni keith sa mga bagong tao na nadaan sa street na toh"

Nani?!!!!! Alam niyaaaa dennnnn?!!!

"Simula nang namatay ang magulang ni amaro ang step dad ni Jane eh, napagdesisyunan niyang umalis nalang rin dito at magtravel"

Amaro pala name ng stepdad niya.

"Alam mo ba na kay bait ng binatang iyon pero ngayon hindi ko na alam kung siya ba talaga yung batang inalagaan ko noon"

"At doon ko nalang nalaman na nagddrugs siya at madami na suyang ilegal na pinapatakbo na ikinabahala ko"

"Bakit po nangyari sa kaniya yun?" Tanong ko

"Sinaktan siya ng babae at hindi niya iyon matanggap kaya humantong doon, Mainitin na ang kaniyang ulo, brutal na siya kung manakit, Puso na maihahantulad na sa bato"

Grabe naman pala ang nangyari sa kaniya...

"Hanggang sa nakilala niya ang mag-ina, Nakipaghiwalay ang ina ni jane sa totoong papa nito at sumama kay amaro na pinagsisihan nila ngayon, Ayaw ni jane kay amaro dahil nung unang  kita niya palang raw kay amaro  ay may parang may balak na itong gawin sa kanila at hindi nga nagkakamali si Jane"

"Ayun nandito na pala tayo sa kwarto ni Jane, siya na lang ang magpapatulong kuwento ko sayo Josh"

Eto ang kwarto niya? Wow pinto palang malalaman mo talagang mayaman eh!

"Salamat po nanay beth"

Ngumiti lang siya at ginabayan ako sa pagpasok sa loob ng kuwarto.

Nakita ko si Jane na may bitbit na sanggol at mukhang pinapatulog niya ito.

Hindi ko alam na may kababata pa pala siyang kapatid. Kamusta na kaya ang mama niya? Nasaan kaya ang kuwarto nun?

"Ja----"

"Josh, masaya akong nandito ka"









Bitin na po muna hehe 😶

PAST.

DON'T FORGET TO VOTE!


LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon