Chapter 4

139 8 0
                                    

Josh PoV

Umagang umaga ay nakatambay kami ni keith dahil nalaman niyang ipapakita na kung sino ang nakatira sa mala hunted house NOON dito malapit saamin.

Hindi niyo naitatanong eh isang dakilang chismoso si keith hehe.

"Dre wag kang magulo, kungwari naglalaro tayo ng mobile games"

Napangisi nalang ako sa sinabi niya at umiling, siya pa ang may ganang magsabi niyan eh siya itong malikotnat chismoso.

Ang daming panay daan dito na kapitbahay namin at nakikichismis rin sila.

Simula kasi ng ayusin ang bahay eh manghang-mangha sila lalo na nung nalaman nilang uuwi na ang may-ari ng bahay tsk.

Sayang lang eh dahil kapag may bagong tao dito saamin at may hinahanap na bahay doon namin tinuturo at sabay-sabay naming inaabangan kung anong mangyayari sa kaniya hehe.

At ending? Boom takbo siya ng takbo tila takot eh HAHAHAHAHAHA!

"Ayan na dre! Dre taena mo naman eh!"

Eh wala naman kasi akong pake kung sino talaga ang nakatira diyan eh, mangkukulam ata nakatira diyan katulad ng itsura ng bahay nila dati tsk.

"Shet! Ang ganda nung babae dre!"

Ayaw ko mang tumingin eh kaso bulong-bulungan siya ngayon ng mga tao na isa sa nakikichismis dito.

Maganda nga ngunit..... Bata pa....

Ayoko sa bata... Mas gusto ko yung mas matanda saakin tsk.

"Ganda noh? Kaso seventeen palang eh samantalang tayo twenty  na tsk, tatlong taon lang rin naman noh dre? Ligawan ko kaya?"

Napa-irap na lang ako at agad na binaba ang cellphone ko.

"Baka pagkamalan lang kayong magkuya , kaya yang binabalak mo ihinto mo ba siraulo"

Agad naman akong nakatanggap ng batok mula sa kaniya, babatukan ko sana siya kaso napahinto ako sa sinabi niya.

"Ikaw nalang dre, kaibiganin mo sabagay dito sa lugar naman natin ikaw ang pinapalapit sa mga bagong lipat diba? Hehe"

"Neknek mo keith, tigilan mo nga ko"

Ayoko. Ayokong masira ang kina-ugalian ko na, na magkaroon ng nobya ng mas matanda saakin, ayoko sa bata tsk.

"Josh maaari ka bang pumunta doon at pakibigay itong cookies"

Nakita ko si tita na kakalabas lang ng bahay kaya agad ko itong kinuha at aabutin sana ito kay keith nang napansin kong wala na siya sa tabi ko.

Eh ang kumag nandoon na pala, panay silip sa gate, tsk certified chismoso talaga.

"Sige po tita, para saan po ba ito?"

"Welcome lang sa ating lugar haha, sana eh maging mabait na kapitbahay sila"

Napatango nalang ako at pumunta sa bahay na iyon. Siksikan oo dahil ang daming chismosa't chismoso ang nasa gate tsk.

"Makikiraan po"

"Uy dre saan ka? Diba sabi mo---"

"Inutusan ako ni tita wag kang ngang ma-issue tsk"

Napatikom nalang siya ng bibig at umatras para bigyan ako ng daan.

Dire-diretso lang ako hanggang sa nasa tapat na ako ng kalaki-laki nilang pintuan. Kakatakot na sana ako ng bigla iyong bumukas at niluwa nito ang batang babae.

"Oh hi? Ano ang maitutulong ko sayo? My tagalog is right diba?" Tanong nito

"U-Uh c-cookies, my tita gave it hehe. Uh w-welcome to our village hehe"

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal at ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko nagugustuhan!

"Thank you for the cookies! And thank you for welcoming us! I need your help"

Nagtaka ako sa kaniyang huling sinabi dahil tila pabulong nalang ito.

"Huh?"

"Puwede ka bang bumalik bukas? Please? I will tell you please help me and my youngest brother"

Napatango nalang ako at balak na sanang umalis ngunit hinawakan niya ang kamay ko na tila nakuryente ako at agad ko itong binawi.

"Sorry for that, what's your name?"

"Josh C-Cullen"

"Oh nice name! I'm Jane! Sana maging kaibigan kita"  masaya nitong sambit

Jane.....

What a nice name right?--- ah eh! Jusme! Hanoba josh cullen!

Her name is Jane, cute.

Pareho kaming nagsisimula sa J cool!



PAST

DON'T FORGET TO VOTE!

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon