Chapter 22

84 6 0
                                    

   Isang malakas na sampal ang ginawa ko kay clea

"Ang kapal mo noh?"

"Jane kumalma ka"

"Paano ako kakalma kuya keith?! Kung itong babae na toh na mahal ni josh ay niloloko lang siya at hindi pa siya mahal!"

Nakahawak lang siya sa kaniyang pisngi at katabi nito ang lalaki niya.

"Minahal ka ng tao! Kahit na nahihirapan na siya sa lahat binibigyan ka pa rin niya ng oras at binibigay ang gusto mo pero ganiyan lang isusukli mo?!"

Nang dahil sa kaniya  nasira ang pagkakaibigan namin ni josh. Nasira ang pinagsamahan namin, kaya hindi ko matanggap dahil wala namang naging pagkukulang si josh pero niloko pa din siya.

"Huwag ka ngang makielam! mali ang bintang mo sakin!" pasigaw na wika nito

Natawa ako doon at bibigyan ko pa sana siya ng sampal ngunit may humawak sa kamay ko at hinila ako ng malakas upang ako ay masubsob sa lupa at magkaroon ng sugat.

"Ano ba ang ginagawa mo jane?!"

"Josh"

"Nahihibang ka na ba ha? Kung ayaw mo sa karelasyon ko ay sana respetuhin mo nalang ako!"

Tinulungan ako ni kuya keith na tumayo at napa pagpag ako dahil nagkaron ng dumi ang aking damit.

"Alam mo naman na hindi ako katulad ng ibang babae na maninira nalang ng basta basta, hindi ako ganon josh"

Imbis na sagutin ako ay pinuntahan niya si at inayos ang buhok nito.

"Pinagbintangan niya akong manloloko mahal, kaibigan ko lang naman tong kasama ko eh" sumbong nito

"Aba nagsisinungaling ka pa talaga ha!" Agad kong hinila ang buhok niya na nabitwan ko din agad dahil kay josh

"Anoba jane! Sumosobra ka na! Kilala ko si Leo magkaibigan lang sila!"

Leo huh?

"Kaya pala nakita ko silang naghahalikan kanina, gawain pala yun ng magkaibigan?" Pinunasan ko ang dugong lumabas ss gilid ng labi ko dala ng pagkatulak saakin kanina.

"Hindi yun totoo! Maniniwala ka ba diyan sa babaeng yan? May galit siya sakin josh kaya magagawa niyang gumawa ng kwento para lang magbreak tayo! Paano eh may gusto sayo"

Napatigil ako sa huli niyang sinabi at napatingin kay josh.

"Diba? Gusto mo si josh kaya ngayon gusto mo kaming magkasiraan at magbreak"

"Totoo ba jane? Gusto mo ko?" Hindi makapaniwalang wika nito

"Hindi ko balak na siraan ang relasyon niyo, kitang kita ko kanina! hindi ako nagsisinungaling alam mo yan josh"

"Totoo ba?!!"

"Oo! Gusto kita pero---"

"Hindi kita gusto jane at kahit kailan ay hindi kita magugustuhan kaya puwede ba? Tigilan mo na ang paninira mo saamin"

Napaatras ako at muntikan ng madapa ngunit nasali naman agad ako nila kuya keith at ang girlfriend nito.

"Naniniwala ka sa kaniya?"

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon