Chapter 26

63 4 0
                                    

Warning: disturbing scene (Please if hindi kayo sanay sa patayan or what huwag niyong basahin toh, skip this)


"Hello, this is josh cullen santos how can i help you?"

Napangiti ako ng sagutin niya iyon, korni talaga ket kelan tsk.

"Oh hi, can you help me to say to my boyfriend that I love him so much, no matter what happen? Uhmm.. just say to my boyfriend na huwag siyang mag-alala sakin at unahin niya ang sarili niya"

"Oh grabe naman yan miss! Ano ba pangalan ng boyfriend mo?"

"His name is Josh Cullen Santos"

"J-jane? N---"

Pinatay ko na agad ang tawag at bumaba sa kotse.

"Dumating ka nga"

"Oy! Good Day!" Nakangisi kong sambit at agad na niluwa ang bubble gum, gusto ko sanang ihagis sa kaniya pero baka mainis kaya tinapon ko nalang sa gilid.

"Walang good sa araw na toh"

Napanguso ako saglit at tumawa.

"Sino nanaman ba nagpalungkot ng araw mo tanda?"

"Ikaw"

Tumango tango nalang ako at nginisian siya.

"Sure ka na bang papatayin mo ko? Ay mapapatay pala"

Puwede pa naman siyang umurong hehe.

"Oo, may surpresa ako sayo anak"

Anak? Tsk kapal ah?

"Madami ng namatay sa harapan ko gusto mong dumagdag?" anya ko

"Hinding hindi ako mamamatay sa harapan mo dahil sisiguruduhin ko na ikaw ang mamamatay sa harapan ko"

Ayaw niya sa harap? Gusto niya ba sa likod?

"Ah ayaw mo sa harap siguro.." tumalikod ako at tinitignan siya tsaka tinapat sa kaniya ang baril

"Ganito nakatalikod ako, ganto ba gusto mo? Para maiba naman?" Tanong ko

"Sira ulo ka talaga"

Ngumiti lang ako at humarap uli sa kaniya.

Nagulat ako ng makita ko si jay na nakagapos kasama ang...

"Pa?"

"A-anak"

"Surprise! Nagustuhan mo ba anak?" sambit nito na may kasamang nakakalokong ngiti.

Susugod na sana ako sa kaniya ngunit bigla niyang tinutukan ng baril sa leeg ang ama ko.

"Oh? Hindi pa tayo nagsisimula pandadaraya yan! subukan mong lumapit at mamamatay ang ama mo" nakangisi nitong sambit

Mapang-asar akong umatras at tinawanan siya.

"Bwisit sating dalawa ikaw ang madaya, hindi mo man lang sinabi na may pa surprise ka hindi tuloy ako handa" wika ko sabay himas sa aking batok

"Bobo kaya nga surprise"

Napanguso ako at tumingin sa gawi nila papa.

"Makakaalis rin kayo diyan okay?"

Tumango silang dalawa at agad akong tumingin kay tito at tinutukan ng baril.

"Kapag hindi mo pinakawalan ang dalawang toh babasagin ko yang bungo mo"

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon