Chapter 10

102 6 0
                                    

Hanggang sa pagtulog walang pansinan! Hanobaaa josh!

"Hindi ako makatulog tae"

Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi magising jayjay, dalawa ang kwarto kaya hindi kami ganong istorbo kay josh.

Pupunta sana ako sa kwarto ni josh pero pumunta muna ako sa kusina ng nakaramdam ako ng uhaw.

"Kumain na ba siya?"

Pagkatapos kasi ng kulitan nila ni jayjay ay diretso na siya sa kwarto at ako naman ay nagluto ng adobo pero mukhang hindi pa nababawasan yung tinira ko para sa kaniya kaya mukhang hindi pa siya kumakain.

"Hay nako josh ano nanaman kaya ang nagawa ko sayo at ayaw mo kong pansinin hmp"

Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok ng walang sumagot ay binuksan ko at sumilip ako, nakita ko siya na nagccomputer, naglalaro pa pala siya?

"Josh"

Agad naman itong tumingin saakin.

"Hmm?"

"Nakaistorbo ba ako? Gusto sana kitang makausap" sambit ko

Nilagay niya sa kaniyang leeg ang headset at mukhang may kinausap sa screen. May kausap siya? Sino at bakit?

"Nags-stream ako ngayon, puwede bukas nalang or mamaya if maaga akong natapos? Kakasimula ko lang kasi"

Oh akala ko naman eh ano hehe, naalala kong gamer nga pala siya haist janelle!

"Oh I'm sorry, I will try to wait you nalang"

"Sige"

"Btw kumain ka na ba? You should eat first bago magstream" wika ko

"H-Hindi pa"

"Then you should eat first if it's okay to your viewers? You need energy Josh and lastly where's your glasses? Wear it, I know na ilang oras kang magbababad sa computer"

Napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kong masyado na akong madaldal! Naririnig nga pala ako ng mga viewers niya!!

"S-Sorry masyado na ata akong madaldal uh---"

"Guys Kakain na muna ako ha? Tignan niyo kahit wala si mama may pumalit naman sa kaniya hahaha"

Napairap ako dahil doon, concern lang naman ako tsk.

"Dito nalang siguro ako kakain, okay lang ba sa inyo na pinapanood niyo kong kumakain?. Ah hindi si ate yun hahahaha" wika nito

"Should I heat the adobo? Kumain ka ng kanin to boost your energy---"

"Yes madame"

"Should I give you a milk? o tubig lang?"

"Puwede both? Hehe, Totally guys hindi ako kumakain ng kanin sa gabi pero dahil sa bebe ko charot lang hahaha I will eat rice na"

Hinayaan ko nalang siya at pumunta sa kusina para initin ang adobo.

Kumuha ako ng mangkok para hindi na siya mahirapan sa paghawak, nilagyan ko yun ng tamang kanin dahil baka hindi niya maubos, naglabas na rin ako ng baso na may hawakan at isang bote para sa tubig niya, nilagyan ko ng gatas ang baso at pinatay na ang gas ng uminit na ang adobo.

Pumunta uli ako sa kwarto niya para magtanong uli!

"Hi again uh gusto mo ba tanggalin ko na yung buto para hindi ka na magkamay?"

"Sure sure"

Tumango lang ako at bumalik uli sa kusina, Gaya nga ng tinanong ko sa kaniya ay tinanggal ko na ang mga buto para hindi na siya mahirapan. Nilagay ko sa tray lahat at dahan-dahang pumasok sa loob at binigay sa kaniya ang pagkain samantalang ang gatas at tubig naman ay nilagay ko pa sa isang lamesa para masigurong hindi matapon.

"Thank you"

"Diba sabi ko wear your glasses, asan na?"

"Hindi ko mahanap eh"

"Okay wait hanapin ko"

Habang kumakain siya at kinakausap ang fans niya ay hinahanap ko na ang glasses niya at nakita ko na nasa bag niya, ang gulo ng kwarto niya linisin ko nga bukas.

"Here wear it"

Agad naman niyang kinuha iyon at isinuot.

"from Mikaela Cruz, Ang ganda po nung babae isang hi naman po diyan, Hi daw jan"

Taka ko siyang tinitigan at siya naman ay tinawanan lang ako, parang kanina lang ay hindi niya ko pinapansin at sinusungitan pa ko tas ngayon may patawa tawa pa ampk.

"K-Kita ba ko?"

"Yes mag-hi ka daw"

"U-uh h-hi?"

"Nahihiya siya eh hahahaha! Matulog ka na or hihintayin mo pa ko matapos?"

"I will watch your live, hintayin kita matapos hindi pa ko dinadalaw ng antok eh puwede bang dito muna ko?"

Hangga't hindi ko alam kung para saan ang pagsusungit niya kanina ay hindi ako makakatulog!

"Sige, here my phone and earphone"

Kinuha ko naman yun at humiga sa kama niya. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya, josh na josh.

He's fucking hot! Ngayon ko lang napansin yung suot niya habang nanonood ako ng live niya sa phone! Nakapolo siya at lalong bumagay sa kaniya ang salamin at sa style ng buhok niya!

"Tumigil ka nga rodel tara na laro na tayo, tapos na ko kumain sorry natagalan a'tin"

Napatingin naman ako sa lamesa at nandoon na nga ang mangkok, umalis ako sa kama at kinuha ang pinagkainan niya, pati ang baso na naglalaman ng gatas ay ubos na, yung bote naman ay paubos na ang laman na tubig kaya kinuha ko agad yun at dumiretso sa kusina.

Nirefill ko ang bote at bumalik sa kwarto niya para ilapag ang tubig at bumalik uli sa kusina para maghugas ng pinagkainan niya.

Nang natapos ay bumalik ako kwarto at humiga.

"Kuya josh bagay po kayo ni ate hehe, btw ano po name niya?... Hahahaha kayo talaga!"

"Kuya josh familiar po siya! Siya po ba si Jane Smith? Favorite model ko po siya! A'tin din po yan!... Talaga? Favorite model ko rin siya eh haha"

Tumagilid ako sa paghiga para hindi niya ko makita, pulang pula na siguro ako dahil sa kilig!

"Loko ka rodel ah sige asar pa sumbong kita sa asawa mo tamo"

Oh? May asawa na pala siya bat hindi ko alam?!! Kakausapin ko si kuya rodel bukas.

"Kayo na po ba ni Ms.Jane kuya josh? Bagay po kayo hehe from Shyrelle, Wala pang kami pero malay niyo diba haha"

Saka na kapag wala ng gambala sa buhay ko kamo!

"Natikman na po ba ni Ms.Jane ang sinigang niyo? o tigas tinola man lang? From Nathan"

T-Tigas tinola??? Oh I remember! Taeng yan!!

"Hindi pa pero may balak ako bakit? Gusto niyo ba siyang mapunta sa heaven? Joke lang hahahaha"

Binato ko siya ng medyas na malapit lang saakin, tumawa lang siya at pinagpatuloy ang paglalaro pati si kuya rodel ay narinig kong tumawa mga buang!

Patagal ng patagal ay panay hikab ko na at napipikit ko na ang mata ko na siyang tinitigilan ko. Pero sadyang ganoon nalang talaga ang antok ko at hindi ko namalang nakatulog ako....



PRESENT.

DON'T FORGET TO VOTE!

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon