Chapter 25

70 4 0
                                    

Someone's PoV

"Any news?"

"Ano bang kailangan mo sakin tito? Hindi ka na ba napapagod. Lagi nalang bang ganito?!"

Humarap ako sa kaniya at ngumiti, siya pa talaga ang pumunta huh? Lakas ng loob.

"Buhay mo ang kailangan ko, hangga't hindi kita napapatay hindi ako titigil. Kumalma ka at umupo hija"

Imbis na umupo ay lumapit siya saakin at agad akong sinampal ng malakas.

"Kapal ng mukha mo, ikaw na nga tong sumira sa buhay ko ikaw pa tong may ganang patayin ako? Dapat ako ang may ganang patayin ka! Napa---"

"Bakit hindi mo ko patayin ngayon? Natatakot ka ba?"  Nakangisi kong sambit

Hindi na ko nagulat pa ng tutukan niya ko ng baril sa ulo, hindi na toh bago sakin hinihintay ko ngang iputok niya sakin pero wala.

"Gusto kitang patayin pero noon iyon"

Natawa naman ako at pumalakpak, bakit ngayon pa siya nagbago ng desisyon kung kailan ginaganahan na ako ngayon hayst.

"Dahil ba kay josh? Ikaw lang ang papatayin ko jane, ikaw lang kaya wala na kong pakielam sa mahal mo sa buhay" sambit ko sabay inom ng alak.

"Gusto mo talaga ng patayan? Sige ibibigay ko para sayo pero sa malinis at sa mabuting paraan kaya maghanda ka na tanda"

Pinanood ko lang siyang magdabog at umalis. Ang batang iyon kay tapang talaga, hindi marunong sumuko.

"Carlo ihanda mo na ang tauhan natin mukhang may malaki tayong kakalabanin ngayon" nakangisi kong sambit

"Sir tama siya. Dapat tumigil na ho kayo ilang taon na ho kayong nagpapatayan--"

"At lagi akong natatalo doon, hangga't hindi ko siya napapatay hindi ako titigil"

Napakamot nalang siya ng kaniyang buhok at umalis.

Bakit naman ako susuko?! Dahil sa kaniya nagkanda letse ang negosyo ko, madaming nagnanais sa kaniya, nasa kaniya ang atensyon ng aking mga kasosyo, nakakainis.

"Humanda ka na hinding-hindi kita uurangan"









Jane's PoV

"So paano na yan? Ayaw ng step dad mo na umurong" sambit ni trisha

Napatigil ako sa pagboxing at umupo, tinanggal ko ang gloves ko at uminom ng tubig.

Ilang beses ko na siyang kinausap pero ayaw niya pa rin, gusto niya talaga akong patayin.

"Hindi niya tinanggap ang 500M. Ibig sabihin buhay mo ang gusto niya para mapatigil na siya" wika ni ly

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon