Chapter 7

99 6 0
                                    

"Maupo ka wag kang mahiya" nakangiti nitong sambit

Halata sa boses nito na hindi pa siya ganong marunong mag-tagalog, so lumaki siya sa amerika??

"Sorry nga pala kasi hindi ako tumupad sa usapan" paumanhin ko

"Ano ka ba okay lang yun, nandito ka naman na eh okay na ko dun"

Ang hinhin ng boses niya....

"So puwede mo ba kong kwentuhan kung anong nangyari??"

Tumango lang siya at inilapag ang kapatid niya sa crib. Nang nalapag na niya ito ay tumabi siya sakin ngunit ang tingin niya ay nasa langit kaya napatingin na rin ako doon, hindi ko akalaing mag-gagabi na awit ganun ba talaga kalaki ang bahay nila at ginabi ako? Hahahahaha.

"Nung bata palang ako napilitan si mama na iwan yung totoong papa ko dahil hindi na niya nakayanan yung pag-uugali nito"  panimula ni Jan.

"Eh ikaw? Bakit hindi ka sumama sa papa mo eh ayaw mo naman sa step dad mo"

"Ikaw ba kapag pinili mo ang papa mo matitiis mo ba na araw-araw kang sigawan ng papa mo kung may pera ka na, kung may nagagawa na ko para magkaroon ng pera but I'm 6 years old that time, laging bungad sakin ni papa kung ano daw ang silbi ko, kung may pera na daw ba ako, Lagi silang nagtatalo ni mama dahil sa pera, si papa mahilig magwaldas ng pera pero si mama hindi, magugulat ka nalang may dadating na package tapos order pala ni papa, tumatakbo pa kami sa kapitbahay para mangutang muna para mabayaran namin ang inorder ni papa, lagi nalang ganun kapag kami gumagastos..."  Nakangiting sambit nito at ilang segundo akong tinitigan bago ibalik muli ang tingin sa langit.

Napabuntong hininga ako at napansing may luhang tumulo sa kaniya kaya agad ko itong pinunasan ng may pag-iingat.

"Handa siyang magbitaw ng masasakit na salita saamin, Kaya bakit ako maninitili sa kaniya? Kung yung sarili mong papa sinasaktan ka"

Ramdam ko sa tono niya ang panginginig at ano mang minuto ay maiiyak na siya.

"Wala akong choice kung hindi sumama kay mama, akala ko dun na sasaya ang buhay ko pero hindi pala... Pumunta kami sa ibang bansa nang nakilala ni mama ang step dad ko, ang ganda ng bansa pero ang mga tao ay mahilig manghusga wala ring pinagkaiba dito pero mas malala dun hahaha"

Kahit na tumawa siya ay ramdam ko ang sakit, kahit na itago niya pa iyon ay nararamdan ko iyon...

"So bakit ka pa nagii-ingles kung nagtatagalog ka naman pala?!" 

Sinabi ko yun dahil ayokong tuluyan siyang umiyak.

"Inaasar lang kita ang cute mo po kase kuya joshie"

H-Ha? T-Teka? Cute ako? K-Kuya?!!

"Namumula ka mainit ba??" Tanong nito

Hahawakan na sana niya ang mukha ko nang umiwas ako.

"Oo m-mainit hehe, ang yaman niyo naman pero hindi ka nag-eletric fan man lang" palusot ko

Bakit ba kase ako namumula?! Awit Josh!

Napansin niya agad na natanggal ito sa pagka-saksak kaya sinaksak niya agad ito, pati tuloy yung kapatid niya nabulabog ata dahil sa init kaya nagising at umiyak.

Binuhat ko ang kapatid niya at pinatahan sa pag-iyak.

"Hindi ka naman pala mahirap alagaan bata eh" nakangiti kong sambit

"Hindi kami naka-aircon dahil ayaw ng step dad ko wala naman daw kaming silbi kaya bakit pa daw kami magga-ganon hehe"

Ang tanga mo josh bat tinanong mo pa?!!

"Uhh kamusta ang mama mo?"

"Ayun nakahiga sa kabilang kuwarto patuloy na nanghihina dahil sa pinapa-inom ni tito amaro sa kaniya"

"Bakit hindi mo puntahan?" Tanong ko

"Paano? Kung nakalock ang pinto, nilock niya ang mama ko paglabas mo may makikita kang padlock, siya lang may susi nun kaya hindi ko maalagaan at mapakain sa tuwing umuuwi lamang si tito amaro siya nakaka-kain puro gamot ang nandoon sa loob"

Napakuyom agad ako nais na sapakin ang amarong yun pero wag nalang pala hehe.

"Hindi ko siya malaban labanan o kasuhan dahil madami siyang kapit at pera para maibasura ang kaso, ilang beses na ako g nagsumbong sa pulis ngunit pinagtawanan lang ako"

Hindi ko alam ba ganito talaga ang nangyayari sa kaniya samantalang ako....

"Nakakalabas ka ba?"

"Bawal akong lumabas, para akong preso simula nung inasawa ni mama si tito amaro ay nasa loob lang ako ng bahay, naghome school lang rin ako dahil nakakahiya daw ako"

Baliw ba tong matandang kulubot na toh?!

"Kailan umuuwi step dad mo?"

"Sa ngayon 5 months siyang mawawala"

Napatango nalang ako may naisip na ideya.

"Bukas na bukas ay mararanasan mo ring lumabas at hahanap ako ng paraan para makalabas ang mama mo" nakangiti kong sambit



Pangako Jan ibibigay ko sayo ang makakaya ko para lang mapasata kita at malaman mo rin kung ano ba talaga ang nangyayari sa labas! Hinding-hindi ko hahayaang gawing preso ka!





PAST.

DON'T FORGET TO VOTE!

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon