Special Chapter 2

62 2 0
                                    


"SB19!"

"Akin ka nalang josh!"

"Angas niyo dre!"

"Dapat pag-uwi ko lalaki pa rin ako"

Nagtawanan kaming lahat at maya'y-maya ay nagsisi-iyakan na.

"Nakakamiss naman ang a'tin" lungkot na wika ni jah

"Parang gusto ko uling bumalik sa nakaraan" wika ko

"Miss ko na yung hiyawan nilang lahat, yung bonding na nabuo natin noon ka-miss" umiiyak na sambit ni stell

"Kung bibigyan tayo ng chance na bumalik sa past, ang babalikan ko ay yung mga panahong kasama natin ang a'tin sa lahat ng bagay" umiiyak ding sambit ni ken

"Oy anong iniiyak-iyak niyo diyan? Gusto niyo ba magperform uli?, Tara puwede naman! teka sample ba kamo? Kaya pa naman natin eh!" Ani ni pau

Tumayo siya at sinayaw ang go up, hindi pa siya nangangalahati nang tumunog ang buto niya sa balakang at siya'y napayuko at dahan-dahang umupo.

"Hindi na pala kaya mga dre, ang tatanda na kasi natin. Kaguwapuhan nalang ang natira saatin at boses" ani nito.

"Maglakad-lakad na nga lang muna tayo, pangit niyong kabonding ha! Ngayon na nga lang uli tayo nagkasama-sama" reklamo ni stell

Napagpasiyahan namin na magreunion kasama ang mga staff namin noon, kanina pa kami nag-aasaran at matatawa ka nalang talaga kapag may isa sa kanila na biglang magkakarayuma.

Hindi naman kami sobrang tanda na ano, wala kaming hawak-hawak na baston kasi strong kami.

"Hoy josh yung baston mo naiwan!" Sigaw ni jah

Aba bastos toh ah?!

"Hoy! Wag mo ko mahoy-hoy diyan baka nakakalimutan ko mas matanda ako sayo"

"Mas matanda nga ikaw naman ang huling nagka-asawa saating lima HAHAHAHHA" tawa nitong sambit

"Aba't loko toh ah?!"

Hahampasin ko sana siya ng aking mahiwagang baston kaso nakatakbo agad siya.

"Mamaya ka sakin! Hoy matanda ka na makatakbo wagas ah? Tignan natin mamaya kung sino ang sobrang hingal sating dalawa!"

Tiyak na mapapagalitan yun ng asawa niya hahaha!

"Naalala ko si josh dati may crush na youtuber letter j ang simula ng name, eh letter j yung nagsisimulang name ni jane, grabe ka dre puro letter j ang mga nagugustuhan mo" asar ni stell

"Aha! Sino kaya satin dito yung ang daming napa-fall pero hindi sinalo yung mga na-fall sa kaniya aha!" asar ko

"Eh kasi may nasalo na ko that time hindi ko kaya na saluhin din sila"

"Ah so sinasabi mo na kung kaya mo lang eh hindi lang ako ang sasaluhin mo ganon?" taas-kilay na sambit ni ly

Oh no! Oh no no no no! Kumaway ako kay stell at paasar na ngumiti sa kaniya bago umalis.

"Hindi naman mahal! Hindi naman yun totoo eh! Gawa-gawa lang yun ni josh, aray! aray ko naman mahal!" Kinurot siya nito at piningot.

"Hello po, ikaw po ba si josh ng sb19?" Napatigil ako sa pagtakbo at agad na tumango sa babaeng nagtanong na medyo bata pa saakin.

"Owemji! A'tin po ako! Gurang na a'tin haha, kasama mo po fam mo? Kasama ko rin kasi ang anak at asawa ko" Nakangiti nitong sambit

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon