Special Chapter 1

82 4 1
                                    

Josh's PoV

"Congrats josh! Sa bago mong kotse!" Masayang wika ni ate rose

"Thank you ate rose! Grabe pinag-ipunan ko talaga toh!"

Akala ko hanggang pangarap ko lang toh eh, deserve ko naman toh eh diba?

"Mag-ingat ka lang josh ha minsan pa naman may haharang na motor sa harap at hoholdapin ka nalang"

Subukan lang nila at babanggain ko sila joke.

Ilang linggo ko na ring ginagamit ang kotse at buti nalang ay hindi ko pa nararanasan ang mahold-up, subukan lang nila hmp.

"Ang suwerte ko talaga"

ng may....

"Joke lang, ano toh lokohan?"

tumutok ng baril saakin. Bakit kasi nakabukas ang bintana ko?!

"Uy pre SB19 oh? Yung feeling kpop"

Haters pa nga ang nanghold up.

"Ano kailangan niyo saken? Mga hampas lupa"

"Yabang talaga pre, pera akin na pera mo"

"Eh kung ayoko?"

"Eh kung basagin ko yang bungo mo? Ano na? Bigay mo na dami pang ebas eh"

Awit naman oh! Bilang kuripot na tao napakasakit talaga saming mawalan ng pera.

Napabuntong hininga ako at ibibigay na sana ang pera ng biglang may mabilis na motor ang dumaan at nasama sila! I mean ano parang may nilagay na lubid sa motor ng mga holdaper para masama  sila.

"Oy salamat!" Agad kong sinara ang bintana at umalis.

"Grabe paano nila nagawa yun? Ang cool naman! Pero kawawa din yung dalawang holdaper ah? Mukhang maraming sugat ang matatamo nila"

Excited na kong ikuwento sa mga kaibigan ko ang nangyari ngayong gabi!


"Gagi seryoso ka pre?" Gulat na gulat na sambit ni ken

"Oo! Nagulat nga ko eh kasi ibibigay ko nalang sana pera ko nang biglang may humatak sa motor nila ng mabilis!"

"Eto ba yun? Viral sa twt ngayon at sa fb" wika ni jah at pinakita sakin ang picture

"Sila nga! Grabe punit-punit na yung mga damit"

"Sinubukan daw kasi nilang alisin yung lubid eh tinanggal na pala ayun nasemplang"

Ang daming nagcomment na deserve daw nila yun, may nakakita pala sa nangyari kanina at vinideohan kaya ayun nagviral.

Ano yon inuna pa ang video kaysa sa tumulong? Joke lang tulong na rin naman ang nagawa niya, awareness kumbaga.

LOVING YOU TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon