Elleine Anne's POV"BE ready for your presentation next week.Dun ko ibabase ang magiging performance nyo sa mga natutunan nyo ngayong quarter.So make sure it will be a perfect and impressive presentation."paalala ng prof.namin sa history na si Mr.Dominic.Magkakaroon kasi kami ng presentation about the whole lesson in this second quarter.Lahat ng pinag-aralan namin sa buong second quarter ay irere-cite namin individually in front.Nakaka-kaba pero alam ko namang kakayanin ko bagaman mahihirapan akong ireview lahat ng naging topics.
"Yes sir!"sagot naming lahat na tinanguan lang ni sir bago naunang lumabas.
Tumayo na rin ako para maibalik ang mga notes ko at books na ginamit.Katatapos ko lang ng lapitan ako ng dalawa kong kaibigan.
"Hey bestie,kapag nanawa ka na dun sa mga bodyguards mo,pwede mo ng ibigay na lang sa akin yung isang cute.Rexel ba name nun?"nanlaki ang mga mata namin ni Jackie sa sinabing yun ni Sheraine.'Talagang ipipilit nya?!'...
"You think Draze will let you?"nanghahamong tanong ni Jackie na hindi alam kung paniniwalaan ba ang sinabing yun ni Sheraine.
"I don't care about him!Palagi na lang syang wala at dun nagsasa-sama sa mga boyfriend nyo. Eh mas madalas pa nyang gawin yung tungkulin nya as student council secretary kesa sa duty nya as a boyfriend ko!Ayoko namang maging possesive sa kanya so I let him do whatever he want as long as he will let me do the same."nagmamataray nyang sagot na parehas lang naming ikinailing ni Jackie.'What Sheraine's wants,Sheraine's gets...'ika nya...
"By the way...speaking of Kuya Jack....did you already see him nor talk to him?"baling sa 'kin ni Jackie kaya tipid naman akong umiling lang.
Napaisip tuloy ako kung galit kaya sya sa 'kin at di nya man lang ako magawang tawagan o i-text.Kahit man lang mapuntahan hindi nya ginawa!'Eh ano naman ang naging kasalanan ko?!Hindi ko naman sya matawagan dahil out-of-coverage-area yung line nya!At nakakahiya rin kung ako mismo ang mauunang pumunta sa building nila,baka isipin ng iba na sobra na akong kadesperada para maya't maya sya ay makita.
And for sure he will be mad at me kapag nalaman na nyang may dalawang lalaki ang umaali-aligid sa 'kin.Ang pinaka-ayaw pa naman nya sa lahat ay ang mga lalaki ang kusang lumalapit sa 'kin.Naalala ko tuloy ang mga ginawa nya sa mga nagtakang manligaw sa 'kin...tinakot nya lang naman at pinagbantaan na patatalsikin nya sa academy na pagmamay-ari nya kapag di sila tumigil sa panliligaw sa 'kin.Kaya ayun...nawalan na sya ng kaagaw sa 'kin.Nainis man ako dun sa ginawa nya ay nabawi naman yun ng iparamdam nya na seryoso sya sa 'kin.Nabawasan nga lang ang pagiging malambing nya ngayong napasobra ang pagiging possesive nya sa 'kin.
Sa lalim ng iniisip ko,di ko tuloy namalayang nasa cafeteria na kami kung di ko lang narinig ang ingay ng mga estudyanteng nandito rin.At tulad ng inaasahan ko ay naagaw na naman namin ang atensyon ng lahat.Lahat ng atensyon ng mga kababaihan ay nakatuon sa dalawang lalakeng nasa likod ko.Walang kurapan nilang tinitigan ang dalawang mala-greek god ang itsura,at maya maya pa ay nangibabaw na ang malakas na tilian na nagpatakip sa tenga ko,...hanggang sa walang hiya hiya silang lumapit sa 'min na labis naming ikinagulat.
Samu't-sari ang naging papuri nila kaya naman halos mabingi ako dahil doon.Samantalang ang magkapatid naman ay wala man lang paki-elam sa nangyayari sa paligid nila.
Halos di na kami makadaan sa dami nila,kung wala lang kamay na humila sa 'kin ay baka hindi na ako sikatan ng araw bukas.Nakapikit akong nagpahila sa kanya at ng wala na akong narinig na ingay kundi ang ihip ng hangin ay unti unti akong dumilat.Iginala ko muna ang paningin ko sa aking kinaroroonan...kaya napagtanto kong nasa malawak na field kami ng campus.Medyo nakahinga ako ng maluwag na hindi ko naramdaman kanina.Pakiramdam ko tuloy ay para akong artista na pinagkaguluhan ng mga fans at paparazzi.
BINABASA MO ANG
Her Possesive Man[Tag-lish:R18+]
RomansaWarning:SPG|Mature Content|Not Suitable for young readers🔐📌 STORY DESCRIPTION ⤵ Elleine Anne Flores is a sweet,caring and loving daughter.But she had a childhood boy bestfriend,who happens to always get her pissed and annoyed. Si Jack Zyren Ferrer...