Dream 11

27 2 0
                                    

Sinasabi ko na nga ba. Nafe-feel ko na kanina pa na parang nilalagnat 'tong si Kurt

"Oy Kurt. Okey ka lang ba talaga?" Hindi sya sumagot

Andito kami ngayon sa clinic. Kauntik na kasi syang matumba kanina buti nalang naalalayan ko sya agad.

"Okey lang ako" sagot nya

Nakapikit sya ngayon

Ang init-init nya. Nakakapaso sa init.

Naalis na nga pala yung posas na nakakabit samin kanina

"Bakit ka ba kasi pumasok pa eh alam mo naman palang masama na ang pakiramdam mo"

Ngumiti lang sya

"Sige ngiti pa. Iwan kita dito nakuha mo" pananakot ko

Syempre joke lang yun. Nakakaawa naman kung iiwan ko pa diba?

"Ah miss... Iwan ko muna kayo dito ha pinagrereport kasi ako sa office" sabi samin nung nurse

"Ah sige po" sagot ko

"Behave kids ha. May pupunta naman dito para magbantay"

Ano ba yun? Ginawa naman kaming bata, tinawag pa kaming kids

"Allysson" napalingon naman ako kay Kurt

"Bakit?"

"Uuwi nalang ako. Nakakaistorbo na ako masyado sayo hindi ka pa tuloy nakapasok sa ibang subjects"

"Okey lang yan! Ang totoo nyan tinatamad kasi talaga akong pamasok ngayon" napakamot naman ako sa batok ko

Ano ba yan baka sabihin nitong si Kurt kababae kong tao eh napakatamad kong pumasok

"Eh ikaw bakit ka pa nagpilit pumasok?" tanong ko

"Ah... Kasi may audition raw ngayon sa Arts club kaya pumasok ako"

"Arts club?"

"Oo"

"Eh secretary ako ng arts club, dapat nagsabi ka nalang sakin"

"Malay ko ba" oo nga naman Allysson malay nga naman nya "Tsaka ganun din naman eh kapag sayo ako lumapit kailangan ko paring mag-audition"

Oo nga naman Allysson. Bobo ko rin minsan eh 'nuh?!

"Sige alis na ako" sabi nya

"Oy kaya mo na ba?" Tanong ko habang inaalalayan ko sya

"Oo naman" nakangiti nyang sagot "Ano ba yan kung sino pang babae eh sya pa ang nag-aalaga sa lalaki"

"Asus! Soya lang yan. Tsaka ano ba dapat?"

"Ang dapat eh ang babae ang inaalagaan"

Ano raw?

Napatingin naman ako sa kanya at sakto naman na nakatingin rin sya sakin

AWKWARD

"Ha-ha-ha... sa tingin ko okey ka na nga. Nakakapagloko ka na eh"

I broke the awkward silence

"Tunay nga yun ah!" depensa nya

"Oo na. Tunay na kung tunay."

Palabas na kami ng clinic ng dumating yung magbabantay daw muna ng clinic

"Oh saan na kayo pupunta?" Tanong nya

"Uuwi na daw po sya kaya aalis na po kami" sagot ko

"Ah ganun ba? Oh sige. Ingat kayo ha, pagaling agad"

"Sige po. Thank you po!"

-----

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sakin ni Kurt

"Uuwi"

"Oh eh bakit ka pa sumama?"

"FYI hindi ako sumama" pagtataray ko

"Eh ano pala?"

"Nagkataon lang talaga na magkatabi lang yung subdivision natin kaya nakisabay na ako"

"Sus para-paraan mo lang yan eh para makatabi mo ako sa tricycle" panunukso nya

Yep! Tricycle. Hindi naman kasi kami mayaman. Hindi rin mahirap. Tama lang~

Tsaka Hindi lahat ng mayaman eh sa subdivision nakatira yung iba umuupa lang. Pero hindi kami umuupa, sariling bahay namin yun

"Ay ang yabang grabe!" Langya 'to ah "Edi baba nalang ako. Kuya pa-hmmmmp"

"Sensitive masyado. Hindi ka naman mabiro."

Inirapan ko lang sya

Ang totoo nyan Hindi pa dapat ako uuwi eh

Kaso tinamad na nga ako lalo kaya ayun uuwi nalang ako at matutulog

May meeting pa nga ang arts club, nag text nalang ako sa president namin na paexcuse ako kasi masama ang pakiramdam ko

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon