Dream 6

49 3 0
                                    

"Paano kaya sila naging magpinsan 'no?"   takhang tanong ni Lyn

"Kaya nga! Ang weird lang kasi para talaga silang kambal"  -MM

"Baka kambal nga talaga sila"   - Yan-Yan

"E? Paano? Eh sinabi na nga nung mga kasama nya na magpinsan nga sila diba?"   - Althea

"Naniwala ka naman!?"   - Lyn

"Malay mo tunay nga yung sinabi nila. Diba?"  - Althea

"Baka naman sya talaga si KNM"  - MM

"Pwede! Pwede! Eh teka paano yun diba sabi nung mga kasama nya ang name daw ni KNM look-a-like eh Tylan? So paanong magiging sya si KNM?"  - Yan-Yan

"I don't know!"  -MM

"Aba Allysson galaw-galaw baka ma-stroke ka diyan"  - Lyn

Nginitian ko lang sila.

Andito kami ngayon sa room namin. Recess kaya sobrang iingay nila. Kahit naman hindi recess eh super ingay parin naman nila. Ano pa bang nakakapagtaka dun? Halos lahat naman ng estudyante eh maingay.

"Allysson nakakapanibago ka"  - Althea

"Ha? Bakit?"  Takhang tanong ko kay Althea

"Eh kasi pagdating sa mga ganitong daldalan laging nangingibabaw ang boses mo."  - Althea

"Oo nga. Nakakapanibago ka!"  Sang-ayon naman nila

"May problema ka ba?"  - Lyn

Nasabi ko na ba na ang isang Allysson ay very TALKATIVE? kung hindi pa eh ayan alam mo na

"Wala! May iniisip lang ako"   sabi ko

"Asus! Wag mo ng isipin mahal ka nun"   panunukso sakin ni MM

"Lul! Tumigil ka nga jan"  sabi ko

"Eh bakit nagba-blush? Ayiii~  si Allysson may lablayp na"  - Yan-Yan

"Sinong may love life?"

"Si Allysson"  they said in unison

"Magtigil nga kayo. Wala akong love life 'no. Wag ka ngang magpapaniwala sa mga yan LJ."  Sabay higit ko kay LJ

"Oy maduga ka Allysson saan ka pupunta?"  -Lyn

"Magsi-CR lang po"

"Sus! Tumatakas kamo. Ayaw manlang i-share kung anong iniisip nya kanina pa"   -Althea

Grabe talaga ang pagiging chismosa nung mga yun aba. Buti nalang at nakaalis ako dun kung hindi nako kukulitin lang nila ako ng bonggang bongga

"Oy tunay ngang may love life ka na?"  And speaking of chismosa papahuli pa ba 'tong kasama ko sa mga ganitong pagkakataon?

"Wala nga. Kulit! Isa ka pa eh"

"Eh bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako ah. Masama na bang magtanong ngayon ha? May bayad na ba ngayon ang pag nagtatanong?"

"Ewan ko sayo. Drama mo"

"Bahala ka!!! mag-CR ka mag-isa mo".

Aysus! Ang bakla may nalalaman pang walkout. Bakit ba ayaw nilang maniwala? Mukha ba akong Hindi nagsasabi ng totoo?

"Nagtampo naman agad. Haha!"  Tapos umakbay ako sa kanya

"Che!"

Tinanggal nya yung pagkakaakbay ko sa kanya pero hindi naman umalis. Baliw talaga 'tong best friend ko na'to. Haha!

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon