Dream 3

86 2 2
                                    

"What a scene. Nice one."

Napalingon ako sa likod ko kung sino ang nagsalita. Napatigil din ako sa paglalakad. Wala naman kasi akong kasama nagpaiwan nga ako diba at binuhusan ko pa ng pinaghalo-halong pagkain yung ANACONDA na mukhang paa nayun.

Hayst. Nababadtrip ako pag naaalala ko yung kanina.

Nagi-guilty parin talaga ako although may part na dapat wala akong ika-guilty kasi para din naman yun kay May eh.

Pero kasi naman ako parin talaga ang may kasalanan ng lahat eh.

Pano kung masira ko yung relationship nila May at Ivan? Pano kung… Pano kung…

"Wait miss? Okay ka lang? B-bakit ka umiiyak? Oy baka akalain nung ibang tao pinaiyak kita. Wala akong ginagawa sayo ah! Sinabi ko lang naman na 'What a scene. Nice one' ah"

"T-tell me. Masama ba akong kaibigan?"  sabi ko habang nag-uumpisa ng tumulo ang luha ko

"I don't know! Why?"  sagot naman nya

Umupo ako sa bench na malapit sa pwesto namin sumunod naman sya sakin at umupo rin

"Eh kasi naman baka masira ko yung relasyon ng kaibigan ko. Pakialamera ko kasi."

"I think no."

napatingin namn ako sa kanya pagkasabi nya nun. Wait bakit parang pamilyar sakin itong kausap ko? 'Ya! I know DON'T TALK TO STRANGERS pero…

"Nakita ko kung anong nangyari sa loob ng Mcdo and for me there's nothing wrong about what you did earlier. Tama lang ang ginawa mo"

Taray! Inglesero si Kuya.

Pero familiar talaga sya eh.

"So 'wag ka ng umiyak at maguilty. OKAY?"  tapos ngumiti sya sakin

Pupunasan ko na sana yung pisngi ko na nabasa na ng luha ko pero inabutan nya ako ng panyo

"Here. Wag ka na ulit iiyak ha"

Kinuha nya yung kamay ko at inabot yung panyo nya. Infairness lambot ng kamay nya

"T-thanks! Nakakahiya naman nagdrama pa ako sayo. Sorry!"

"Okay lang yun."

"By the way, ano nga palang pangalan mo? Kanina pa kasi tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang name mo."

"I'm — *riiiing… riiiing* oh wait sagutin ko lang ha"  sabi nya

"Ahm… Sige lang"  then nagsmile ako sa kanya

Tumayo naman sya at lumayo ng konti para sagutin yung phone call

HAY! Sana wag mag break sina May para hindi naman ako maguilty ng bongang bonga

"Oh pare… Oo…"  grabe namang makipag-usap 'tong si kuyang nakanerd glass kinig hanggang dito ang Boses. Sige lang i-GM mo pa

Ay oo nakanerd glass sya tapos medyo singkit, Maputi at matangkad

"Andito ako sa ground floor kasama ko si—"

"ALLYSSON!!!"

Napalingon ako kung saan nangaling yung mga sumigaw .

"Hoy babae may plano ka pa bang sumama samin? Aba 10 minutes nalang mag-i-start na yung papanuorin natin."  talak sakin ni May

"Waaa~ MAY SORRY! SORRY! SORRY!"  tapos akmang yayapusin ko sya pero lumayo sya sakin

"Wait! Kung ano man yang inihihingi mo ng sorry eh i-reserve mo nalang later. Okay? Male-late na tayo sa movie ano ba? Bagal naman kasi, Nagmala Dora the explorer ka nanaman ano?"   mataray na sabi sakin ni May

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon