Dream 16

40 1 0
                                    

Monday

"Hi ate Allysson"

"Hi Allysson"

"Oy Allysson tara sa canteen"

Bati sakin nung mga nakakasalubong ko. I just ignore them. Wala akong time para sa mga batian portion nayan ngayon. Siguro nagtatakha sila sakin kasi every time na nakakasalubong ko sila eh binabati ko sila with a smile pero ngayon basta nilalampasan ko nalang sila.

Wala ako sa mood ngayon. Ang goal ko ngayon ay ang makita si MM. That ugly fat duckling. Urgh! Sarap inyang i-letchon. Sarap gawing chicharon nung fats nya. Iiiw~ akala mo ang ganda nya? No way.

"Oy Allysson. Uups! Ganda-ganda ng araw ngayon tapos ikaw parang binagyo ang mukha. Whats with face? Pumapangit ka girl."

I rolled my eyes on her and gave her death glare

"I don't care" Umupo ako sa isang vacant chair sa room namin

"Nakita mo si MM?" I crossed my legs

"No!"

"Okey!" Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Asan ba ang babaeng 'yun. Where's that big fat ugly lair?

Hindi pa ako nagbe-breakfast. Naiinis ako sa bahay. Hanggang ngayon hindi parin ibinabalik sakin nila mama ang cellphone ko at laptop.

Pumunta muna ako sa locker area para ilagay yung iba kong gamit. Nagpunta muna ako sa washroom bago pumunta sa canteen.

Nasa loob ako ng cubicle ng may isang grupo na pumasok sa loob ng girls CR

"Your so great talaga. Hahahaha! That bitch. She deserves that. For sure napagalitan na sya ng parents nya."

"Grabe ka MM. Nakakaawa si Allysson. Super bait kaya nya pretty pa"

Nagtawanan naman sila

"You must be kidding. Hahaha! Si Allysson? Pretty? Saang part I can't find it anyway"

"Shut up Lyn. Akala mo naman ang ganda nya? No way. Sabi ko naman sa inyo diba I'll revenge. So that's my revenge. Kulang pa nga yun eh. That Allysson... Huh... I have a plan pa for her"

Lumabas ako ng cubicle at tumabi sa kanila. I wash my hands and I look them at the mirror

"What plan?"

Kita naman sa kanila ang pagkagulat ng makita ako. Ano ngayon lang nakakita ng dyosa?

"Allysson?" - Lyn

"Yeah the one and only Lyn" I smile at her sweetly

"What are you doing here?" MM faced me

Napataas naman ang kilay ko

I chuckled "What are you doing here?" I asked her back the same question emphasizing every word "I thought bawal ang plastic dito sa school. Bakit andito ka? Buti tinanggap ka dito" I cross my arms

"Because I'm beautiful" she flip her hair

Umarte naman ako na parang nasasamid

"Seryoso ka? Saang banda?" I said in a sarcastic tone

"Compare to you? Mas maganda ako sayo" MM said

"Ohw~ really?"

I look at her from head to toe at tingnan ko yung mga kasama nya

"Buti buhay pa kayo ano?" Nagtakha naman sila sa sinabi ko

"Of course where here nga eh diba?" Sabi nung isang alagad ni MM na galing sa other section. Like duh~ ? Puro makeup all over her face. Dinaig pa ang clown

"I'm just concern lang naman sa inyo guys. Kasi we all know naman na bad breath si MM 'ayt? Oh wag kayong magsisinungaling bad yun"

Nagbulungan naman yung mga kasama ni MM. Lyn just looked at me

"Why Lyn? I'm just telling the truth"

Si MM naman eh nakatungo lang. Labasan ng baho 'to. Sinabi ko naman na sa kanila dati pa na 'wag nila akong susubukan eh. Mabait naman talaga ako 'wag lang talagang gagalitin

"Ano MM hindi makasagot?"

Napaismid naman ako. Huh! Nagpapaawa nanaman 'to eh. Sa mga ganyan naman sya magaling eh sa mga paawa effect. Feeling innocent. Yuck! Sya naman lagi ang mastermind sa mga nangyayari sa buhay ko

"Alam nyo ba guys yung chismis?" Tanong ko "Ow~ sorry! 'Ya I know hindi nyo pa alam" ngumiti ako ng nakakaloko at tingnan si MM

"May naradar kasi akong chismis 'yung papa nung isang girl na gustong kumalaban sakin is wanted? Because of dealing of drugs!?"

Nagbulungan naman yung mga kasama ni MM at Lyn

"One more thing. Alam nyo ba na wala silang sariling bahay tapos kung makaasta at makaporma akala nyo super yaman. Kung ako nga sa kanya kakausapin ko yung parents ko na instead na gumastos sa kung anu-ano eh iiponin ko nalang para magkaroon manlang kami ng sariling bahay. Diba MM?"

"Sumosobra ka na Allysson. Below the belt na 'yang ginagawa mo" sabi ni Lyn

"What? Totoo naman eh. Kaya nga ikinakahiya ni MM yung mama at papa nya because of that issues. Mga palamunin, umaasa sa iba"

"Allysson enough" lumapit sakin si Lyn at hinawakan ako sa braso

"Anong enough Lyn? No! Ang dami na ng kasalanan ni MM sakin. Nakakapuno na."

MM lift her head at tumingin sakin

"MM I forgave you so many times kahit na ang hirap ibalik ng trust ko sayo. Pero ano? Ha? Sinasayang mo. Ano ba talagang problema mo sakin?" Naiiyak na ako sa frustration

"Answer me MM. Ang tapang-tapang mo pag may kaharap kang iba. Nagpapaawa ka nanaman. 'Jan ka naman magaling eh. Sa pagpapaawa! Shit ka MM ang plastic mo."

"I'm sorry Allysson" sabi ni MM

"Sorry? Nangyari na MM. Nangyari na lahat. Ang sinungaling mo pa. Ako pa talaga ang nagpilit sayo na uminom. Huh! Nangdamay ka pa sa katang*han mo eh"

Inayos ko ang sarili ko. Lalabas na sana ako ng CR ng biglang may humigit sa buhok ko

Urgh! Sinusubukan talaga ako ng babaeng 'to

Humarap ako sa kanya pero bigla nalang nya ulit hinawakan ng mahigpit yung buhok ko. Ouch! Ang sakit sa ulo. Wala na akong nagawa kundi hawakan narin ang buhok nya

"Ano ba talagang problema mo ha?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw ang problema ko Allysson. Ikaw!" Sagot sakin ni MM

"Girls tama na 'yan" sabi ni Lyn

Pinaghiwalay naman kami nung iba pang kasama ni MM

*slap

"Tatanungin mo kung para saan 'yun? Well para matauhan ka. Your insecurity kills you really hard" sabi ko kay MM

Inayos ko muna yung uniform ko bago ako lumabas ng CR. Gulo-gulo pa ang buhok ko ng lumabas ako ng CR at wala akong pakialam. Nakasalubong ko pa si Kurt at tinanong ako kung anong nangyari pero hindi ko sya pinansin at nilampasan ko lang sya.

Ang sakit ng ulo ko dahil sa higpit ng pagkakapit sa buhok ko at sa sobrang pagkakahigit. Naiiyak ako sa nangyayari samin between me and MM. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. We're good friends naman way back then pero hindi ko maintindihan kung bakit kami humantong sa ganitong stage.

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon