Dream 12

25 3 0
                                    

"Hoy Allysson may hindi ka sinasabi samin"  -Yan Yan

"Ano namang sasabihin ko? Kung ano nangyari sa forevermore o sa Bagito?"   sagot ko

"Baliw wala kaming pakialam sa Bagito. Sa forevermore pwede pa pero napanuod ko yun kagabi kaya wag mo nalang ikwento"  sabi ni May (Pronounce as MY)

"Aba malay ko ba"

"Saan ka pumunta nung isang araw ha?"  tanong ni MM

"Bakit ka nag-cut ng class?"  LJ

"At bakit kayo magkasama ni Kurt ha?"  - Shee

Sunod-sunod na tanong nila

"Saglit lang naman ang daming tanong. Parang artista naman ako na nakitang nakipagdate sa kapwa ko artista sa mga tanong nyo aba"   angal ko

This past few days ganito nalang lagi sila sakin

Halos nagiging talkshow na nga araw-araw eh

"Sagotin mo na kasi yung tanong namin"  - Althea

"Okey fine!"  sabi ko habang nakataas ang kamay "Ganito kasi yan. Diba nga dapat magc-CR ako"

Woo~ sinungaling magc-CR daw eh hinahanap naman si Kurt

"Oh tapos!?"  -MM

"tapos nakita ko si Kurt tinanong ko kung saan sya pupunta bakit sya lumabas ng room"

Pagkukwento ko. Sila naman eh nakikinig lang

"Oh eh anong sabi ni Kurt bakit daw sya lumabas ng room?"  - May

"Sabi nya pupunta daw sya sa clinic hihingi ng gamot kasi masakit daw yung ulo nya"  sagot ko

"So bakit nga kayo magkasama?"  tanong ulit ni Camille

"Sinamahan ko si Kurt sa clinic kasi parang matutumba na yung tao sa sakit ng ulo kaya inalalayan ko hanggang sa clinic eh yun pala nilalagnat na"  sagot ko

Galing kong gumawa ng kwento grabe pero totoo naman yung iba eh

Kaya hindi ko sinabi yung totoo kasi alam ko na mas lalo nila akong kukulitin ng tanong

"Aww~ kawawa naman pala si fafa Kurt"  sabi ni Lyn

"Eh bakit pumasok pa raw sya kung masama na pala yung pakiramdam nya?"  - Yan Yan

"Kasi may audition daw para sa Arts Club eh gusto nyang magpamember"  sagot ko

"Oh? Eh secretary ka ng arts club diba? Dapat sayo nalang sya lumapit"  - LJ

"Kaya nga. Sinabi ko narin sa kanya yan. Eh hindi daw nya alam na secretary daw pala ako ng arts club tsaka kung lumapit man raw sya sakin para magpamember eh kailangan nya parin namang mag-audition"

"Ah oo nga naman"  pagsang-ayon ni LJ

"Allysson si Joy andito"  sigaw ni mama mula sa baba

"Ma andito kami sa taas. Sa kwarto ko"  sigaw ko din kay mama

Ganyan talaga kami dito sa bahay. Laging nagsisigawan.

Pakialam ba ng kapitbahay namin? Edi sumigaw din sila. Tsaka bahay namin 'to kaya wala silang pakialam kung anong gusto naming gawin

"Hi mga bakla" bati ni Joy pagkapasok nya ng kwarto ko

"Anong chika?"   Tanong agad ni MM kay joy

"Wala!"  Sagot ni Joy

"Ano na! Alis walang pakinabang"  Yan-Yan

"Aray!"  At umakto pa si Joy na animoy parang tunay na nasasaktan  "EDI WOW!" At nagtawanan kami

Wala kasing pasok kaya nakatambay kami ngayon dito sa bahay

Actually meron hindi lang talaga kami pumasok ngayong hapon. Wala naman kasing masyadong ginagawa kaya hindi nalang kami pumasok

Nagitla ako ng bigla nalang nagvibrate yung phone ko

1 message receive from Kurt

Oh? Bakit kaya?

Inopen ko yung message nya

KurtAllysson asan ka?

Allysson: Dito sa bahay bakit?

I replied

Riiiiiing~

Riiiiiing~

Riiiiiing~

Kurt calling

Oh bat naman napatawag 'to?

I answer his call

"Hello?"  Bungad ko

"Allysson asan ka?"  Tanong nya

Ay? Wala man lang HELLO? Ayos 'to ah. Tsaka ulit-ulit?

"Andito nga sa—"

"Madaya sakin dapat yun eh"

"Anong sayo?"

"Oy yung cellphone ko?"

"Kyaa~ nilike ni crush yung profile picture ko!!"

"Guys may napkin kayo? Allysson pengeng napkin. Badtrip red tide mga mare"

Pumunta nalang ako sa terrace ng kwarto ko

Ang iingay kasi. Hindi ko makinig yung sinasabi ni Kurt

"HOY ALLYSSON PENGENG NAPKIN"

"Sige lang"  sigaw ko mula sa terrace

"Hello? Kurt? Anjan ka pa ba?"  Tanong ko sa kabilang linya

"Ha? Ah oo. Hahahaha"  sagot nya

"Bakit ka tumatawa?"  Tanong ko

"Nakakatawa kasi yung barkada mo"

"Ha? Bakit naman?"

"Ang gugulo kasi"

"Sus yun lang ba? Masanay ka na. Kasi normal na yun para samin"  sagot ko  "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala lang. Bakit? Masama bang tumawag?"

"Hindi naman"

"HULI KA BALBON"

"KYAAAAAA~"  tili ko

Sa sobrang gulat ko eh nabitawan ko yung cellphone ko at naging tatlo dahil sa pagkakapagsak

"Hala! Sorry Allysson"  paghingi ng tawad ni April Joy

"Hindi okay lang"

Tinulungan nya akong pulutin yung cellphone kong nahati sa tatlo

"Galit ka?"  Tanong nya

"Hindi"

Nabuhay pa naman yung phone ko

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?"  tanong ko

"Eh hindi kasi mahanap ni Shee kung saan nakalagay yung napkin. Pinapatanong!"

Sus yun lang pala

"Yun lang? Talagang kailangan pang manggulat?"

"Hehe… Sorry naman!"  sabi nya habang nakahawak sa batok nya

"Tsk! Halika na nga pasok na tayo"

Abnormal din 'tong mga barkada ko aa~

Sinasabi nang 'wag laging PDA (Public Display of Abnormality)

Pero sabi nga bounce back lang yan… Pag abnormal ang mga kaibigan mo ibig sabihin abnormal ka din kasi nakakaya mo silang tagalan at pagtyagaan :D  #Hugoat

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon