Dream 9

36 2 0
                                    

Yawn! Good morning Philippines. Annyeong KOREA ヽ(^。^)ノ

Yes! I'm still alive. Yeah! I'm still alive. Yeah!

Haha! Why so very energetic? Err~

Super aga pa naman para magligo. Haysh! May pasok nanaman. May physics nanaman. (︶︿︶)

PHYSICS SUCKS (--〆)

"ALLYSSON! ALLYSSON!" Ayan na!! Magbubunganga na si mama

In

4...

3...

2... -

"ALLYSSOOOOOOOOOON!!!! *bogsh*" grabe nagitla naman ako dun. Makapagbukas naman ng pinto. Kauntik pang masira yung pinto ng kwarto ko... "Hoy Allysson! Ikaw bang bata ka eh may plano pang pumasok ha? Aba anong oras na oh!? 6:30 na! Tapos uuwi ka dito at magrereklamo na nalate ka. Sinong sisisihin mo ako? Aba! Eh tanghali ka na kung gumising tapos ang bagal-bagal mo pang kumilos-"

"Tsk! Oo. Kanina pa ako gising. Mama naman eh" habang sinipa-sipa ko yung mga unan ko. Nakakainis naman si mama eh. Wala na! Kung kanina good mood ako ngayon malapit nang mabadtrip (~_~メ)

"Bumangon ka na jan ha. Isa!"

"Dalawa" tiningnan ako ng masama ni mama "Tatlo! Oh bakit?" tanong ko, tinutulungan ko lang magbilang eh

Makabangon na nga at ng makaligo na. 7:30 pa naman ang first period, si mama lang talaga ang excited. Wala naman akong gagawin dun ng masyadong maaga. Haysh!

School

"Allysson!"

Kapapasok ko palang ng gate may nagtatawag na agad sakin? In demand naman ata masyado ang pangalan ko ngayon!?

Pero yung totoo?! Uso ba ngayon ang tawagin ang pangalan ko? Parkyeol hard! Maluluma agad pangalan ko eh. Tsk!

"Good morning Allysson" bati nya

"Hmm... Morning!" Sabi ko ng may tipid na ngiti

"Sabay na tayo papunta sa room ha?!"

Edi sumabay ka. FC din 'tong Kurt na'to eh ano nga!?

"Oy! Bad trip?" he said while poking my arms

"No!" Sagot ko

"Weh? Eh bakit nakakunot yang noo mo?"

"Wala!"

"Okey! Bad trip ka nga ata talaga"

SILENCE...

Ano ba yan!? Ang awkward ng atmosphere

"Uhm... Kurt?"

I broke the silence

"Hmmm?"

"Oh" napatingin naman sya sakin, ay hindi pala sakin dun sa hawak ko "Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan eh." Napahawak ako sa batok ko. Nahihiya kasi ako.

"Ahh... Diba initial ng name mo eh KNM? KNM stands for Kurt Nathaniel Morales?" tumango lang sya "Sabi na nga ba! Haha. Talino ko talaga"

I'm so very magaling talaga~ huhuhu ╮(╯◇╰)╭

"Oh panyo mo" iniabot ko sa kanya yung panyo. Tinanggap nya naman "Don't worry nilabhan ko nayan. Swerte mo ako ang naglaba nyan. Sarili ko ngang panyo hindi ko nilalabhan eh"

"Talaga?" para namang lumiwanag yung mata nya dun sa narinig nya. Yung parang sa mga anime ba. Yung nagkakaron ng star yung mata tsaka yung paligid

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon