Dream 10

34 2 0
                                    

Saan ko naman kaya hahanapin yun?

Naglakad-lakad nalang ako sa buong campus nagbabakasakaling makita ko sya

Sinong sya?

Si Kurt

Bakit ko nga ba ulit hinahanap si Kurt?

Hmm…

Ah…

Oo nga pala magso-sorry ako kasi baka naoffend sya dun sa sinabi ko kanina.

Dila mo naman kasi Allysson, minsan hindi nakakatulong.

*blag*

Napatalon ako sa gulat.

Ano ba yun? Ampupu~ namang magsara ng locker yun aba.

May galit ata sa locker eh~

Andito ako ngayon sa hallway. Sa tapat mismo ng locker room ng boys at girls locker room

Oo magkatapat lang ang locker ng boys at girls, ewan ko kung bakit pero okey lang kasi minsan nakakakota ako kay Jericho. Minsan lang kasi pumapasok yun at lagi ko lang naaabutan eh dito sa locker area

"BOOO~"

"KYAAAAA~"  sigaw ko

Sino ba kasi 'tong nanggugulat na'to?

Haharapin ko na sana yung nanggulat sakin pero…

"Waaaa~ sino ka ha?"

Tabunan ba naman yung mata ko

"Pakyu ka kung sino ka man naku sinasabi ko sayo ipapalapa kita sa bulldog"

Keep calm Allysson. Huwag kang magpapanic

"Pfff…"

"Bakit ka tumatawa ha?"   Sya ba yung tumawa? Parang sya eh  "Oy hindi ako nagbibiro ipapalapa talaga kita sa bulldog"

Pagtawanan ba naman ako

"Kaya mo?"    tanong nya

Aba hinahamon ata ako nito ah

Pero boses lalaki

Waaaaa~ baka rapist 'to!?  Ayoko pang isuko si pempem ko.

Baka ma-50 Shades of Grey ako

I'm not yet ready. Huhuhu  (T o T)

"Waaa~ TULONG! RAPE. RAPE. RAPE. Rmmmmmp"

Nawala na sa mga mata ko yung kamay nya. Pero nakatakip naman ngayon yung kamay nya sa bibig ko

Tsaka… Aray ang sakit nung likod ko

Ikaw ba namang bigla nalang isandal sa pader

Hindi ko sya gaanong makita bukod sa hindi ako makakita sa dilim kahit sino naman siguro. May konte namang liwanag pero hindi ko talaga sya mamukhaan.

Mas lalo pa syang lumapit sakin. Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko

Hindi ako makasigaw kasi hanggang ngayon eh nakatakip parin sa bibig ko yung kamay nya

Napapikit nalang ako sa takot  >x

Lord ito na ba ang katapusan ng aking virginity life?

"Wag kang maingay kundi re-reypin talaga kita"

Jusko! Ayoko pa. Para lang kay T.O.P si pempem

Nangako sya sakin na kapag 40 na sya eh magpapakasal na kami.

Ano ka ba naman Allysson nakuha mo pang magfangirling at mag daydream eh nasa panganib si pempem

Hindi ko namalayan na wala na pala yung pagkakatakip sa bibig ko

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon