Dream 15

20 0 0
                                    

Kurt's POV

Kanina pa umiinom si Allysson. Sabi nya konti lang pero parang nakarami na ata sya eh. Nakakadalawang bote na nga sila ng alak samantalang kaming boys paubos palang yung unang alak na kanina pa namin iniinom na hindi parin maubos-ubos puro kasi kwento

"I'm a barbie girl in the barbie world... like a plastic its fantastic. Wooo~ jablo ka PLASTIC mo"

"Pare lasing na ata si Allysson eh. Patulugin ko na kaya sa luob?" Nag-aalalang bulong ko kay Gino

"KJ mo pare. Yaan mo muna sila" sabi ni Gino habang pinapat yung balikat ko

Hindi ko talaga maalis yung tingin ko kay Allysson mula pa kanina. Lagot kasi talaga 'to sa papa nya pagnalamang nag-iinom na eh

"Sinong plastic Allysson?" tanong ni MM na sa palagay ko eh lasing narin

Tingnan lang sya ni Allysson ng matagal saka ulit kinanta yung barbie girl

"Putang*na mamatay na lahat ng pinanganak na plastic" sigaw ni Allysson

Napatayo naman na ako sa pagkakaupo ko. Wengya! Nagmura na lasing na nga 'to

"Ooops! Shorriii~ plastic din nga pala ako. Pano ba yan paunahan nalang tayong mamatay mga punyemas kayo" habang pinagtututuro nya sina LJ

Linapitan ko na agad si Allysson baka mamaya nyan magsabunutan na 'tong mga 'to mahirap na

"Allysson tama na yan lasing ka na" inagaw ko na sa kanya yung shot glass na hawak nya

"Putang*na 'wag ka ngang mangialam papatayin kita" pinipilit nya namang kunin sakin yung baso

"Wooo~ tang*na Kurt brutal nga pala yang si Allysson lalo na kung lasing good luck pare" sigaw ni CJ

"Bigay mo na kasi" pagpupumilit ni Allysson

"Lasing ka na nga kasi. Tingnan mo oh minumura mo na sina LJ"

"Okey lang Kurt sanay na kami ganyan talaga yan pag lasing na" -LJ

"Oh see? Isa na lang promise tutulog na ako pagkainom ko nyan" -Allysson

Nagpuppy eyes pa ang loko. Nyeta!

Ibinigay ko naman na yung baso. Ang kulit eh tsaka baka mabasag pa yung baso sa pag-aagawan namin

"Isa nalang ha" paninigurado ko

"Oo nga kasi~ nyeta kulit mo ah"

Hinawakan ko na sya sa braso pagkatapos nyang inumin yung nasa shot glass

"Ano? Bat ka ba nanghahawak?"

"Tama na ang inom. Kanina ka pa umiinom oh"

Hindi naman na sya sumagot. Tumayo narin sya sa pagkakaupo nya pero inaalalayan ko parin sya lasing na eh

"Girls ipapasok ko na sa luob si Allysson ha lasing na eh" paalam ko kina May

"Sige lang. But wait! Baka kung anong gawin mo kay Allysson ha" tiningnan nila ako ng nakakaloko

Tumawa lang ako

"May sasabihin ako sayo" sabi ni Allysson

"Ano yun?"

"Oooooh akoy dyo-o-o-o-o-sa. Haha! Akoy dyo-o-o-o-o-sa. Totoo naman diba? Huuuu~ GANDA KO TALAGA" kanta nya

"Lakas ng tama mo Allysson haha.. Kurt patulugin mo na nga yan"

"Sinong matutulog? Walang matutulog!" Sigaw ni Allysson

"Allysson matulog ka na lasing ka na oh" - LJ

"Ako lasing sinong may sabi ha?" Pinilit nyang makawala sa pagkakakapit ko sa kanya "Walang matutu-" hindi na nya natapos yung sasabihin nya kasi nawalan na sya ng malay

Tsk! Hindi pala lasing ha

Allysson's POV

Urgh! Ang sakit ng ulo ko wengya. Naparami ata ang inom ko kagabi ah!? Wala akong matandaan. Basta ang alam ko sobrang sakit ng ulo ko. Tsk! Hangover. Perstaym 'to!

"Bakit ngayon ka lang?" Salubong agad sakin ni mama na nakaabang sa pinto

Wow! Wala manlang bang Good morning?

Hindi ko sinagot yung tanong sakin ni mama. Nilampasan ko lang sya at nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay.

"May kasalanan ka"

Napahinto ako sa paglalakad at humarap kay mama

"Ano na naman?" Naiirita kong tanong

Tish. Lalong sumasakit ang ulo ko wengyang buhay 'to

"Sinisigawan mo ba ako? Itanong mo sa papa mo pagdating nya kung anong kasalanan mo." Pumasok na si mama sa loob ng bahay at naiwan akong nakatanga sa labas ng pinto

Ano na naman bang kasalanan ko?

--
"You're grounded. Hindi ka sasama sa barkada mo. Bahay at school ka lang. Walang gala, walang internet at walang gadgets" - Papa

"ANO?"

Anak ng... Wengyang buhay 'to.

"Kulang pa nga yang parusa mong yan eh"

Whatever! Okey lang sakin na bawal lumabas ng bahay pero yung walang internet at gadgets? Pucha. Ang sakit na nga ng ulo ko binigyan pa ako ng isa pang sakit ng ulo

"Ganyan ang napapala mo sa kakasama mo sa mga barkada mo eh. Sinabi ko na sayo diba na wag ka ng kay MM. Tingnan mo ngayon yang nangyari sayo, ikaw pa ang sinisisi nung magulang" - Mama

"Bakit ako?" Takte naiirita na talaga ako

"Anong bakit ikaw? Ikaw daw ang nagpainom kay MM ah, pinilit mo raw yung bata na uminom sabi sakin nung ina" - Mama

"Wow pinilit?" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration "Eh dumating ako dun nag-iinom na yun. Tapos ako pa ang namilit?"

Bwisiiit! Humanda ka saking babae ka pag nagkita tayo

"Tsaka sinong may sabi sayo na uminom ka ha?" Napatungo nalang ako, oo may mali rin ako pero grabe ako yung namilit na painomin sya. Painomin ko sya ng milk tea eh

"Ang galing lang mama, ako yung pinilit nilang uminom. Galing! Grabe. Ang galing magbaliktad ng kwento" pagkasabi ko nun eh umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko agad yung cellphone ko para itext si MM

"Ang galing mo pucha. Mag-uusap tayo sa lunes"

Saktong pagkasend ko ng text eh pumasok si mama sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko

***

Author:

Yo~ ! May away sa In Your Dreams. Haha :D masaya ituuu~~

By the way may bago akong story

Bad Man Crying at Assuming 101
Try nyong basahin. Maiba lang. LOL!

XOXO
- Tasya

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon