Dream 5

77 2 0
                                    

Palabas na kami ng school gate ng biglang magvibrate yung phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng palda ko.

Ish. Sya lang pala! Masyadong atat, eh akala mo naman hindi na kami lalabas dito sa school na'to. Eh hello!? 5:15 lang kaya. Bad trip talaga 'to.

Sino bang hindi mababadtrip kung ganito ang mababasa mo sa text "Hoy pangit bilisan mo naman kanina pa ako nilalamok dito."

Makapagsabi ng PANGIT wagas? Ganda ko kaya. Tsaka sya lang 'tong nakikisuyo may gana pang manlait. ABA! Baka gusto nyang itapon ko sya mars. GRRR…

"Opo anjan na prince FROG. At FYI hindi ako pangit MAGANDA AKO period."   reply ko sa kanya

"Allysson bakit ang daming tao sa labas ng school gate? Kanina pa naman uwian ah diba dapat kahit papaano nabawasan na yan?"  sabi ni LJ

"I don't know!"  pagkikibit balikat ko

"Baka may free taste ng ice cream"  sabi ni May

"Baka may libreng whisper"   LJ

"YUCK! At isa pang YUCK! Kadiri ka LJ whisper AS IN? 'wag nalang silang mamigay pag whisper"   sabi ko

"Arte mo eh whisper naman ang ginagamit mo"   -May

"Ano ka ba May kaya ayaw ni Allysson sa whisper kasi ini-endorse ni Kathryn yun"   -LJ

"Oo nga pala. HATER ka nga pala ni Kathryn"   -May

I just rolled my beautiful eyes on them nalang. Eew~ Like Kathryn Bernardo. Yuck!

"KYYYYYAAAAA!!!!!"    nagsigawan yung mga babae sa labas ng gate

"Oh bakit sila nagsisisgawan dun? Ano bang meron?"  -LJ

"Baka anjan ang KathNiel"  - May

"Ay nako Niel nalang 'wag na yung Kath"   -ako

"Baka JaDine!?"   -LJ

"Kyya~ Si fafa James Ried. Tara na friend baka continuation ng The Naked Truth yun kaya sila nagtitilian"  sabi ni May saka kami hinila palabas ng gate

The Naked Truth? PSH! Kasawa ang abs ^(oo)^

"Oh bakit ka tumigil?"  sabi ni LJ

Kasi pagkalabas namin ng gate eh bigla nalang tumigil sa paghila samin si May

Hindi sumagot si May kaya sinundan nalang namin kung saan sya nakatingin

Laking gulat ko ng pagtingin ko sa harapan namin eh andun si Ivan na may bitbit na bouquet of red roses (wow naman si lover boy), teddy bear (blue magic kaya yun? Haha), tapos isang box ng chocolate (Yummy! ^Q^). Tapos sa likod nya may malaking tarpaulin na may nakalagay na "I'm sorry May"

Taray ng patarpaulin. HAHA!  Bigyan ng space para sa billboard yan.

"Yiii~ kaw May ha! Effort ng boyfie"  -Althea

kinikilig na lumapit samin sina Lyn, Yan-Yan, MM, at Althea

Malayo sa expectations ko ang ginawa ni Ivan para kay May. Ang akala ko basta pupunta lang sya sa school namin kasi gusto daw nyang makausap si May.

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon