Dream 4

81 3 0
                                    

"Sya talaga yun PROMISE!"   Lyn

"Oh eh anong ipinaglalaban mo?"  mataray na sabi ni Shee

"Wala"   sagot ni Lyn

"Wala naman pala eh bakit nagpapakagalit ka jan?"  shee

"Hindi sa nagpapakagalit! Pero sya talaga yun eh"  Lyn

Nagtatalo kasi sila kung si kuyang nakanerd glass ba at yung nagbigay sakin ng panyo na nakatabi ko sa panunuod ng TBYD ay iisa.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang pagtaluhan 'yun. Pero parang iisa nga lang sila kasi magkamukha eh.

"TAHIMIK!!! ANO BA MANUNUOD BA KAYO O ANO? SABI NYO MAGMO-MOVIE MARATHON TAYO TAPOS NAGTATALO KAYO KUNG SI KUYANG NAKANERD GLASS AT YUNG NAGBIGAY NG PANYO KAY ALLYSSON AY IISA. Papatayin ko na 'tong TV kung ganyan din lang kayo ng ganyan"  - May

"Wow May! feeling mo sayong TV? Feeling mo bahay mo? Feeling mo kwarto mo 'to?"  MM

"Bakit may sinabi ba ako? Sabi ko lang naman papatayin ko nalang yung TV kung magtatalo lang kayo jan ah"   depensa ni May

"Bitter ka lang eh"   MM

"Why would I?" May

"Eh kasi nga hanggang ngayon hindi ka parin kinakausap ni Ivan "

"Guys tama na!"  sabat ko tapos sinamaan ko sila ng tingin

Feeling ko kasi anytime eh iiyak nalang  si May eh. At nagi-guilty parin talaga ako sa nangyari.

"Allysson ano nga ulit password ng WiFi?"  Yan-Yan

"Ano ba Yan-Yan?"   - Shee

"Bakit?"   takhang tanong ni Yan-Yan

"Bakit ganyan mga mukha nyo?"

"Maganda?"   MM

"Hindi"  Yan-Yan

Sinamaan naman sya ng tingin ni MM

"Dyosa?"  Lyn

"HINDI"   Yan-Yan, tapos tumawa sya

Anong nakakatawa? Kararating lang eh nangbu-bwisit na agad

"Mga mukha kasi kayong mga bad trip. Tsk! Alam ko na kung bakit"  sabi ni Yan-Yan habang nakangiti

"Bakit?"  tanong ko

"Dumating kasi ako ayan tuloy nasapawan na kayong lahat"  Yan-Yan

"Ha? Ano raw?"  Lyn

"Dyosa kasi ako."   Yan-Yan

"Anong connect?"   Shee

"Ano ba guys nagjoke yan. At dahil sa sobrang kawaley-an eh hindi natin maintindihan na nagjoke na pala sya"  MM

"Oy grabe hindi yun joke. Tunay kaya 'yun *pout*"   Yan-Yan

"Whatever!"   we said in unison

Tapos pinagbabato nila si Yan-Yan ng  unan.

Aba! Itong mga 'to feel at home masyado eh nakikitambay na nga lang.  Mabuti nga at pinatambay ko pa sila eh.  Wala kasi sina mama ako lang mag-isa tsaka Saturday naman ngayon kaya andito sa bahay 'tong mga 'to at nanggugulo.

———
MONDAY

"Okay class dismissed"

"YES! UWIAN NA. BUYOP NA PHYSICS 'YAN ABA! PAHIRAP SA BUHAY"   sigaw ng isa sa mga classmate ko

"Wag ka ngang maingay. Kalalabas palang ni ma'am oh marinig ka nun eh. Magsusungit nanaman satin yun bukas"  sabi naman nung katabi nya

"Paki ko ba? Eh sa hindi sya marunong magturo eh. My gosh! Sayang ang perang pinangtu-tuition. Nasasayang lang sa mga kagaya nya"

"Tumahimik ka nga. Baka makarating pa yan Kay ma'am malagot pa tayo"

"So? I don't care"   mataray na sagot nito at lumabas na ng room namin

Grabe! Backstabber masyado.

Kanina lang nung andito pa si ma'am ang bait-bait. Nakikiride pa sa mga JOKES ni ma'am na hindi naman nakakatawa   ( -_-||)

Tapos nung tumalikod na si ma'am sya pa talaga mismo ang unang-unang naninira. HAY! Buhay nga naman parang life  ( ̄﹏ ̄)

"Allysson tara na?"  lumapit sakin si May at LJ

"Ha? Sige wait lang ayusin ko lang 'tong mga gamit ko. Antayin nyo nalang ako sa labas"  sagot ko habang ginugusot yung mga papel na dapat sana eh Scratch paper ko pero instead na mapuno ng mga sinolve na problems eh napuno lang ito ng doodle   ヽ(^。^)ノ

Boring kasi ng physics. Hindi ko pa magets  yung mga dinadada ni ma'am sa unahan. Buti nalang andito ako sa likod kaya hindi ako masyadong pansin na hindi nagpe-pay attention sa subject nya. Hehehe!! Minsan nga natutulog nalang ako sa klase nya eh.

"Shems… Makakalimutan ko pa"  bulong ko

Kinuha ko yung phone ko sa backpack ko at nagtext.

Bubwet naman oh! Makakalimutan ko pa. Yari ako dun kapag nagkataon. Baka mamaya nyan magaya pa ako kay Samantha na sasabihin nalang na "I am so dead".

Hay! Enough na. Baka langawin na yung mga yun sa labas ng room

Lalabas na dapat ako ng classroom namin pero bigla nalang nagring yung phone ko

"Hello?"  bungad ko sa tumawag

[Bilisan mo kanina pa ako dito sa labas ng campus nyo]

"Opo anjan na. Wag naman masyadong atat aba! Kasala—"   naputol ang sasabihin ko kasi nga pinagbabaan ako ng phone nung— URHGGG!!!! Ayokong gumamit ng bad word. Bait ko ano? Haha! Syempre maganda ako eh

"Hoy Allysson anong petsa na? Masyado ka na atang napapamahal sa classroom natin at ayaw mo ng iwan"   -LJ

"Don't worry Allysson magkikita pa naman ulit kayo ng classroom nato bukas eh."   - May

"Middle finger KAYO"   pabiro pero may halong inis na sabi ko  "Tara na nga uwi na tayo"  at nauna na akong maglakad

***
Author:

May nangulit saking mag-UD na kasi nga monthsary daw ng mameet namin si "Morales" noong 29. Eh Hindi naman ako nakagawa agad kasi monthly exam na namin pero imbis na magreview ako eh nanuod lang ako ng basketball "Korea VS. Philippines" (Incheon 2014) HAHA (*^﹏^*)

GO KOREA GO!
╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ GO!
Galing ng Korea pero magaling din naman ang Gilas ;D

OKAY Seryoso na. Sorry kung short UD yan lang ang nakaya ko eh. Sa next chapter ko nalang ilalagay yung bomba (PASABOG para sa mga slow)

Yun lang po. Bye!
See you on my next update :D

LEAVE A COMMENT… Thank you!

Tasya  ♥

In Your DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon