My Secret Identity 5

125 8 0
                                    

Ikalimang Kabanata: Second Case (Part 1: Mystery Dorm Murder Case)



NARRATOR's POV



"Isang dalaga namatay sa kanyang tinitirhan na dorm. Ang sabi ay mag-isa lamang daw ang dalaga at ang mga ka roomates nya ay nag-si uwian sa kani-kanilang probinsya. Hindi masabi ng mga ibang tao kung anong nangyari at dahilan bakit pinatay ang biktima. Ang sabi ng mga pulis ay ninakawan daw ito at tsaka pinatay ang biktima. Hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang suspect. S---" Pinatay nya ang tv, tinapon ang remote control sa kama at tsaka umupo.



Sya nga pala si Tatin Alcas. 19 years old. 4th year college.


Naiinis na naman kasi sya. Bakit kamo? Dahil sa iiwanan sya ng mga ka roommates nya, hindi sya makakauwi, hindi sya tinetext ng boyfriend nya at ngayon isama mo pa tong balita.


Naiinis sya kasi dahil sa ang tanga-tanga ng biktima. Bakit kasi hindi sila nag-iingat? Kung nag-ingat lang sila eh di sana humihinga pa rin sila hanggang ngayon.


'Ang tanga naman kasi.' Bulong nito sa sarili.



"Busangot na namang yang mukha mo." Sabi ni Tila. Roommate nya.



Nag-aayos na si Tila ng mga dadalhin para sa pag-uwi nya sa Quezon Province.



"Tulungan na nga kita." Sabi nya at tinulungan nga nyang mag-impake ang ka roommate.



\\\



"Sure ka ba talaga na hindi ka uuwi?" Sabi ng isa sa mga ka roommate nya.

"Hindi ka ba natatakot sa mga nababalita ngayon?"

"Kung ako sayo, uuwi na lang ako."

"Mapapahamak ka pa dito."



Natutuwa sya na concerned ang mga ka roommates nya sa kanya kaso may problema. Ano ang problema? Yung pagiging concerned ng mga ka roommates nya sa kanya. Ayaw nya kasi maging concerned ang ibang tao sa kanya.


Pinagpapalo nya isa-isa ang mga ka roommates nya.



"Ano ba kayo. Kaya ko sarili ko, matanda na ako. Kayo nga dapat ang mag-ingat kasi kayo ang aalis at magba-byahe." Aniya nya.



Nagtawanan lang sila pero hindi pa rin nila maalis ang pag-alala sa ka roommate.



"Sya umalis na nga kayo. Baka gabihin pa kayo."

My Secret Identity (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon