Ikalimang Kabanata: Second Case (Part 2: Mystery Dorm Murder Case)
NARRATOR'S POV
Isa-isa nyang tiningnan ang nasa conference room. Lahat sila tahimik. Walang nagsasalita. Lahat sila nakatingin kay Izumi at hinihintay ang susunod na sasabihin.
Actually napag-aralan na nya ang case na ito. Hinihintay nya lang na tawagan sya at isama sya sa imbestigasyon. Hindi kasi sya yung klase ng tao na kusang lalapit. Dati ganun sya, pero ngayon? I doubt it.
"As you can see pang-pitong victim na sya." Inisa-isa nya ang names ng mga victims.
Quilla Reynaldo. 17 yrs. old. 2nd yr. College.
Marites Sarmiento. 18 yrs. old. 3rd yr. College.
Miriam Dy. 18 yrs. old. 3rd yr. College.
Kristine Constantino. 19 yrs. old. 4th yr. College.
Fely Bontia. 17 yrs. old. 1st yr. College.
Jhomalyn Penilla. 19 yrs. old. 3rd yr. College.
Tatin Alcas. 19 yrs. old. 4th yr. College.
"Lahat sila parehas ng cause ng death. They are murdered." Pumunta sya sa harap at tiningnan ang mga larawan na naka-dikit sa white board. "As you can see," humarap sya sa kanila. "Lahat ng pitong victims ay may connection sa isa't-isa."
Tumingin sya kay Sho at nag-head gesture. Para bang sinasabi nya na ilabas-mo-na-ang-dapat-ilabas-head-gesture.
Tumayo si Sho at binigay sa kanya ang isang folder. Ang nilalaman ng folder ay mga documents tungkol sa Dorm Murder Case. Binuksan nya ito at tumingin ulit sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin, Izumi?" Tanong ni Inspector Joji. Tumingin sya dito.
Lumapit ulit sya sa white board at tinuro ang mga pictures ng biktima na kung saan ay may mga nakalagay sa braso nila na drawing. It's a tattoo tribal actually.
"Pare-parehas silang may tribal sa braso pagkatapos itong pinatay. Same size. Same tribal. Same place."
Ang design nito ay para bang apoy na puro linya at parang ninja weapon. (A/N: Pakitingin na lang sa multimedia ang design ng tattoo tribal.)
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Science FictionSi Izumi Nishina ay isang detective. Bata pa lang ay hinasa na sya para maging isang great detective--- katulad ng tatay nya--- kaya sanay na sya sa mga dugo at mga patay. Ang hindi nila alam isa syang mapagpanggap. Gagawin nya ang lahat para makuha...