Unang Kabanata: Meet the Great Detective
Izumi's POV
"This person didn't commit suicide. He was murdered." Lumabas ako sa kanina ko pang tinataguan na pwesto at nakatingin sa kanila na gulat ang expression.
"I-Izumi?" Takang-tanong ni Inspector Joji.
Hindi ko sya pinansin, lahat ng tao ay tahimik habang ako ay pumupunta sa gitna.
"Mr. Miguel...." Tumingin ako sa kanya ng seryoso at tinaas ko ang isang kilay ko. "... you killed Mr. Lous." Sabay turo ko sa kanya.
Lahat sila na bigla sa sinabi ko lalong-lalo na sya. Akala nya malulusatan nya ako? Nagsimula ng magbulong-bulungan ang buong paligid.
"Sigurado ka ba Izumi? Attorney si Mr. Miguel." Napatingin ako bigla sa sinabi ni Inspector Joji. Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Ako? Magkakamali sa mga theories ko? Kelan ako nagkamali?
"Well, you underestimate my power. Hindi ibig sabihin ng attorney hindi nagkakasala at nagkakamali. Pulis nga nagkakamali at nagkakasala, attorney pa kaya?" Mas lalo kong tinaas ang kilay ko. Hindi ako natatakot sa kanila. Hangga't alam kong tama ako, hindi ako matatakot.
Hinintay ko syang sumagot pero nakalipas na ang ilang segundo hindi pa rin sya sumasagot. Nag-smirk ako sa kanya at binaling ko na ang atensyon ko sa kriminal na nasa harapan ko.
"T-tama si Inspector Joji! Bakit ako ang papatay sa kanya eh tatay sya ng asawa ko?! Biyenan ko sya!" Utal-utal pang sabi nya. What an excuse.
Nilagay ko ang kanay kamay ko sa aking baba na para bang nag-iisip at ang kaliwang kamay naman ay nasa siko pang-suporta.
"Hmm.. Bakit nga ba? Bakit mo nga ba sya pinatay?" Malakas na hinampas ko ang lamesa. Hinayaan ko lang ang dalawang kamay ko na nasa lamesa.
"N-n-nahihibang ka na!" Tumayo sya at katulad ng pwesto ko ganun din ang ginawa nya. Pero syempre sa akin komportable ako, eh sya? Nakikita ko na hindi pa rin sya makapaniwala. Tsk. Attorney ba talaga sya?
Well, let the real show begins.
"Tiningnan nyo ba maigi ang sugat na meron sya sa ulo?" Nilapag ko ang mga pictures ng nasa crime scenes na kanina ko pa hawak-hawak at ipinakita sa kanila. "Look carefully, mas worse ang sugat ng kaliwang sentido ng biktima kaysa sa kanan."
Agad naman nilang tiningnan ang larawan. May inabot ako kay Inspector Joji para makita nya kung ano ba ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Fiksi IlmiahSi Izumi Nishina ay isang detective. Bata pa lang ay hinasa na sya para maging isang great detective--- katulad ng tatay nya--- kaya sanay na sya sa mga dugo at mga patay. Ang hindi nila alam isa syang mapagpanggap. Gagawin nya ang lahat para makuha...