My Secret Identity 2.2

134 10 0
                                    

First Case (Part 2: Condo Murder Case)



Izumi's POV



"You 4 are all the chief suspects in this crime. There must certainly be some trick behind it and I will absolutely bring out the truth." Seryosong sabi ko sa kanila.

"N-nagpapatawa ka ba?! Bakit ako na involved ha? Kakarating ko lang dito at witness ko kayo so hindi ako dapat involved dito." Sabi ng nang-gagalaiti na babaeng petite.

"Eh mas lalo naman ako! Bakit ko papatayin si Ira? Anak ko sya!" Sabi ng matandang babae.

"Kapatid ko sya kaya hindi ko sya kayang patayin." Sabi ng matabang lalake.

"Mas lalo naman ako! Kahit hindi kami close it doesn't mean na kaya ko na syang patayin." Sabi ng isa pang babae.



Tumingin sa akin sila Inspector Joji, Sho at Chel. Tumingin ako kay Inspector Joji at nag-head gesture na gawin na ang next move.



"Okay, okay. Kailangan namin malaman ang mga alibi's nyo." Sabi ni Inspector Joji.

"Wait. Diba kakasabi ko lang n---"

"Inspector, nalaman na namin kung anong oras namatay ang biktima. Namatay sya mga around 5am." Sabi ng pulis.



Tiningnan ko ang orasan ko. Dalawang oras ang nakakalipas. Kami na lang ulit ang naiwan dito.



"Dalawang oras ang nakakalipas pagkatapos patayin ang biktima. Hangga't wala kang alibi isa ka sa mga chief suspects." Sabi ko sa babaeng petite. Tiningnan nya lang ako ng masama at umupo ng maayos.



Kay Inspector Joji ko na pinaasa ang pag-iinterview sa mga chief suspects. Sa ngayon kailangan ko malaman kung papaano pinatay ang biktima.


Pumunta ulit ako sa crime scene kung saan nagpatiwakal kuno ang biktima.


May iba akong nararamdaman. Parang may mali. Parang may hindi tama. Hindi ko nga lang alam kung ano yun pero may mali talaga akong nararamdaman.


Tumingin-tingin ako sa paligid. Una ko munang tiningnan ang kusina kung may mahahanap ba akong ebidensya.


Medyo magulo ang kusina. Maraming mga kasangkapan ang nahulog at nasira. May isang vase dito na nahulog dahilan ng pagkakalat ng mga bulaklak.


Sinunod ko namang tiningnan ang cr. Wala namang pinagbago. Maayos naman at hindi magulo. Pinatay ko na ang ilaw at pumunta naman ako sa mga kwarto.


May tatlong kwarto dito. Binuksan ko muna ang isa. Sa ayos pa lang at amoy alam mo na kung sino ang nagmamay-ari ng kwarto. Yung lalakeng mataba. Amoy lalake kasi sa kwarto.


Inikot ko lang ang kwarto at wala naman akong napansin na kakaiba.


My Secret Identity (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon