My Secret Identity 5.3

133 5 0
                                    

Ikalimang Kabanata: Second Case (Part 3: Mystery Dorm Murder Case)



NARRATOR'S POV



Nandito na sya sa bahay ni April. Hindi naman masyadong kalakihan at kaliitan ang bahay nito. Bungalow style ang bahay nito. Tinanggal na nya ang helmet at pinatay ang makina ng motor.


Nag-doorbell na sya. May nagbukas ng gate at tumambad sa kanya ang isang matandang babae na mid-60's. Nakadaster ito at nakaipit. Medyo mataba rin sya.



"Anong maipaglilingkod ko sayo?" Sabi ng matandang babae.

"Good afternoon po. Ako po yung kaibigan ni April. Dadalhin ko lang po yung mga damit na sinabi nya sa akin." Explain ni Izumi.

"Ah ikaw pala yan.Ano nga ulit pangalan mo? Ang hirap ibigkas eh. Hahaha." Tawang sabi nito.

"Izumi Nishina po."

"Ah ayun nga. Tara at pumasok ka. Nakapag-tanghalian ka na ba?" Tanong nito kay Izumi na akala mo kilala na talaga nya.



Pumasok na ito.



"Ah hindi pa po eh." Nahihiya at pakamot pa sa batok sabi ni Izumi.


Now she's playing a game. Pagdating kasi sa mga cases paiba-iba to ng ugali. Kailangan nya yun para hindi sya ihinala. She's just playing safe.


Now ang ugali nya ngayon ay ang magpanggap na kaibigan ni April which is mabait at mahiyain. Kailangan nya magkunwari para makatagal sya sa bahay. Hindi lang naman kasi nya babantayan ang pamilya nito bagkos para kumuha ng ebidensya. Alam kasi talaga nya na si April ang dulo ng lahat.


Pagdating palang sa mga papel sya na kaagad ang binibigyan. Kaya may chance talaga na sya ang puno't-dulo nito.



"Hindi pa? Kumain ka na tara. Pagkatapos mo kunin ang damit ni April eh sumabay ka na sa akin."

"Nako po. Nakakahiya."



Nasa sala na sila. Agad-kaagad tiningnan nya ang sala. Normal na sala. Walang nanonood. Pero may isang matandang lalake na sumalubong sa kanya na sa tingin nya ay ama ni April.



"Oh sino yang kasama mo?" Bati ng papa ni April.

"Ah sya si Izu— Ano nga ulit pangalan mo iha? Nakakabulol naman. Haha." Hanggang ngayon hindi pa rin mabigkas ng tama ang pangalan ni Izumi.

"Izumi po. I-zu-mi." Hindi nya rin naman masisisi ang matanda dahil mahirap naman kasi talaga bigkasin o malalala ng matatanda ang pangalan nya.

"Nako, ang hirap naman bigkasin nyan." Pabirong sabi ng papa ni April.



My Secret Identity (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon