My Secret Identity 7.4

78 5 0
                                    

Ika-pitong Kabanata: Third Case (Part 4: The Despedida Case)



Izumi's POV



Nasa cr na ako kung saan huling nakita si Madam Max. Nakuha ko na naman ang impormasyon sa security room kaya dito naman ako sa cr na kung saan ay huli ngang nakita si Madam nila Sho.


Tiningnan ko ang buong paligid. Wala namang kakaiba. Wala akong maramdaman na kakaiba. Walang mali.


And its weird. Bakit wala akong maramdaman? Bakit walang kakaiba?


Tiningnan ko ang bawat cubicle. Nagbabakasaling may trace o evidence na pagkawala ni Madam Max.


Wala. Wala na naman.


Kung tutuusin bigla na lang nawala si Madam Max. Kung tutuusin pwedeng hindi naman talaga sya nawala. Kung tutuusin baka naman wala talagang nangyari.


Pero mga tamang hinala ko lang naman yun. Baka lang naman.


Tiningnan ko naman ang lababo, salamin at pati basurahan.


Kumunot ang noo ko ng may makita akong crumpled paper sa basurahan. I pick it up at binuksan.


Lalong kumunot ang noo ko sa nabasa.


Nag-iisa lang ang papel sa basurahan. Yung iba tissue na at itong papel na to ay bago lang.


33-64-9

5-3-4


Ayan lang ang nakasulat sa papel. Wala ng iba.


Mga numero.


Ano ang ibig sabihin nito?


Nilagay ko muna sa ziplock at itinago. Mamaya ko na lamang aasikasuhin ito. Sa ngayon kailangan ko pa ng mas madaming impormasyon.


Lumabas na ako sa cr at dumerecho sa party. Titingnan ko ngayon ang bawat upuan at kung saan pumwesto ang mga current suspect ngayon.


Una kong tiningnan ang pwesto ni Miss Hola.



"Fine. I was my chair the whole time. Middle at the center. Hindi ako mahilig makipag-socialize so in the end kumain lang ako ng kumain." Saad ni Miss Hola.



Middle at the center.



Bawat upuan dito ay may naka-assign seat kung saan ka uupo.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret Identity (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon