CHAPTER 7

14K 200 1
                                    

Chapter 7: Emergency

SA KALAGITNAAN nang pagkukuwento namin ni Haze ay saka naman umepal ang matalik niyang kaibigan.

“Haze!” sigaw ni DV sa pangalan ni Haze at bigay todo ang pagtawag niya.  Halatang mainit pa ang ulo.

“Whay?” tila bored na tugon naman ng kasama ko at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa buhangin. May dumikit pa sa shorts niya, pero hindi siya nag-abalang tanggalin iyon. Dahil naglahad siya ng kamay sa akin.

Tinanggap ko naman ang kaniyang kamay at inalalayan niya akong tumayo, saka lang niya pinagpagan ang shorts niya. Kaya iyon din ang ginawa ko.

Kasama pa rin ni DV iyong babae na nagngangalan na Arjana. Parang isang linta kung makakapit sa braso ng aking asawa. Siguro sa ngayon ay hinahayaan ko pa silang gawin iyan sa aking harapan. Ngunit darating ang araw ay magagawa ko rin silang paghiwalayin.

Tiningnan ko si DV na ang atensyon niya sana ay nasa best friend niya. Mabilis na sinulyapan niya lang ako, bago niya ito sinagot.

“Samahan mo muna si Arjana. Ipasyal mo siya and I’ll talk to Aurora.” Bahagyang napataas ang isa kong kilay. Finally binanggit na niya ang pangalan ko. Kung nandito lang siguro ang ate niya ay baka matuwa pa iyon. Hindi iyong binibigyan niya ng stress.

“Just say it that I want to talk to my wife. That easy, nahirapan ka pa,” nakaismid na komento ni Haze sa kaniya.

“Shut up, Haze,” mariin na suway niya rito.

Nang muli niyang ibaling ang paningin sa akin ay napaatras naman ako. Sino ba naman ang hindi? Ang dilim ng aura niya at wala talagang emosyon ang kaniyang mukha.

Hinawakan na naman niya ang kaliwang braso ko. Napadaing ako dahil sa nararamdaman kong hapdi. Oo nga, matagal nang naghilom ang injury ko. Hindi nga lang siya totally gumaling. Iyon nga lang ay hindi na puwedeng igalaw.

Natigilan naman siya sa nakitang reaksyon ko. Ako naman ang natigilan. Pinadausdos niya sa aking baywang ang kaniyang braso at napasinghap ako. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Ang init ng kaniyang kamay.

Napalakad niya ako nang wala sa oras, nang nagsimula na kasi siyang maglakad. Gusto ko pa sanang lumingon sa naiwan namin doon, ngunit hindi man lang gumalaw ang aking katawan.

“Take it easy, dude,” pahabol na sambit ni Haze.

Dinala niya ako sa cottage at naninibago ako sa ginagawa niya ngayon. May mabait na esprito ba ang sumapi sa katawan ng asawa ko?

Bumabait yata siya ngayon o ginagawa niya lang ito, kasi napagalitan siya ng kaibigan niya? O siguro din ay pakitang tao lang siya.

Malaki ang cottage at ’sakto rito ang sampung katao. Inayayahan niya akong umupo at parang batang sumunod naman ako sa kaniya.

Naguguluhang tiningnan ko lang siya at ngayon ay may kausap na sa cell phone niya. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ngayon?

Iginala ko na lang ang paningin ko sa paligid. May mga tourist din ang nagpupunta sa islang ito at ang iba ay nagtatagal pa sila nang isang linggo sa hotel. Isa ito sa negosyo ko dinadayo pa ng mga tao sa ibang bansa. Dahil na rin sa maganda ang hotel, ang isla at maganda rin ang reputasyon nito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may pumasok na sa mga staff ko. Dala-dala nila ang tray at alam ko kung ano ang laman niyon.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. Nang isa-isa nilang ilapag nila ang tray na may lamang dalawang coffee mug, fried rice, hotdog, toasted bread, iilan na kapiraso na hiniwang prutas. May pancake pa at orange juice.

My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon