CHAPTER 4

14.6K 211 4
                                    

Paradise island

ATE D volunteer to cooked our breakfast early in the morning, kaya sabay-sabay kaming kumain nang agahan.



Tahimik lang nakaupo sa tabi ko ang aking asawa at nasa harapan naman naming nakaupo ang nakatatanda niyang kapatid.

Nakaiilang kumain, dahil masyadong tahimik, lalo na kanina nag-aaway silang magkapatid. Dahil lang sa akin.


Hindi ako makapaniwala na kapatid pala ni Ate D si Dervon. Kilala ko na kasi siya, mabait siya at malambing. Kaya nagulat ako na magkapatid pala sila. Parang ang labo kasi, ang layo ng ugali nila. Nakilala ko lang naman siya dahil sa aking ama.


“By the way, may place na ba kayong napili para sa honeymoon niyo?” biglaang tanong niya at nasamid naman sa iniinom niyang juice si Dervon.


Mukhang kalmado na ngayon si Ate D. Nabawasan na rin yata ang init ng ulo niya.


“Ate, ano ba? Kumakain pa tayo ng agahan. Don’t bring up the topic. Can we just eat?” iritadong saad niya sa kaniyang kapatid. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon.



“Really, Dervon? Bastos ba ang tanong ko? Eh, ’yong ginawa mo sa asawa mo ay hindi ba kabastos-bastos?” malamig na tanong nito sa kaniya, bagamat kalmado pa rin ang boses nito.


Kung puwede lang sana ay huwag na muna nilang pag-usapan ang tungkol doon. Maski kasi ako ay hindi ko rin naisip ang bagay na iyon.


Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Maliban na lang kung ako ang nakikipag-usap sa mga empleyado ko kapag nagkakaproblema kami sa kumpanya.


Isa pa, baka magalit na naman si Dervon at ako na naman ang pagbubuntungan niya ng galit.



"Ate, pag-aawayan na naman ba natin ang babaeng ’yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa ate niya, na may bahid na inis ang kaniyang boses.


Napatingin na lamang ako sa platito ko na halos hindi ko na nagalaw ang kinakain ko. Babaeng ’yan? Talagang wala siyang pakialam sa ’kin.




“May pangalan siya, Dervon. At isa na rin siyang Avelino. Kaya huwag na huwag mo siyang masabi-sabing babae lang. Sa oras na binastos mo ang asawa mo ay parang binastos mo na rin kami ni mommy!” Mariin akong napapikit. Nagtaas na naman siya ng boses.


“I have nothing to do with her, and I don’t want to share my room. We’re only married on paper, and I’ve already made it clear that we shouldn’t interfere with each other’s lives. Kung puwede rin na huwag na kaming tumira sa iisang bubong.” Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay napatayo na si Ate D. Walang pagdadalawang isip na sinampal niya ito at ako naman ay napasinghap, dahil sa gulat.



“Wow! Just wow little brother! You don’t want to share your room with her because of your mistress! Remember brother, I have an eyes on you. Akala mo hindi ko alam na pumunta rito ang kabit mo kahapon?! May nangyari ba sa inyo habang nandito ang asawa mo?!”


Dahil sa marahas na pagtayo ng asawa ko ay bumagsak ang inuupuan niya.


“Wala! I already told her na walang nangyari sa amin ni Arjana!”


“Hindi ako tanga para paniwalaan pa ang mga sinasabi mo! Hindi na kita kilala, Dervon!”

“Fine! Isipin niyo ang gusto niyong isipin! Wala na akong pakialam pa!” sigaw niya. Pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya at maski ang ugat sa kaniyang leeg ay bunabakat na rin. Mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao.



My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon