Chapter 8: Ruthless wife
SINUKBIT ko agad sa aking balikat ang traveling bag. Mabuti na lang at hindi ko pa ginalaw ang mga damit ko upang ayusin ito sa cabinet. Dahil talagang maglalaan pa ako nang oras para mag-impake. Isa-isa kong kinuha ang laptop at cell phone ko saka ko isinilid ito sa extra bag.
Pagkalabas ko mula sa penthouse ko ay nadatnan ko si DV na nakasandal sa haligi ng pader na malapit lang sa pinto ng aking penthouse.
Napatingin naman siya sa akin. At iyong tingin niya ay naninimbang. Nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang magkabilang kamay niya.
Nakapagpalit na siya ng damit. Kulay bughaw na polo-shirt at puting pant. Okay, ang guwapo niya ngayon.
Bigla akong nailang sa pagtitig niya sa ’kin kaya naman napatikhim pa ako.
“Seryoso ka ba na sasama ka sa akin?” tanong ko sa kaniya. Naninigurado lang ako. Mamaya niyan ay nagbibiro lang pala siya.
“Sinabi ko na, ’di ba? Na sasama ako sa iyo,” seryosong saad niya.
“Bahala ka. Sa rooftop tayo,” pag-aaya ko at nagsimula na akong maglakad. Lumapit sa elevator.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni DV kaya hindi na ako nag-abala pang tingnan siya.
Nang bumukas ang pintp ay kaagad na pumasok na ako at tumabi naman siya sa ’kin. He pressed the rooftop button. May chopper kasi kami sa rooftop ng hotel namin.
“Bakit gusto mong sumama sa akin? Bakit hindi ka na lang mag-stay rito kasama ang babae mo?” walang gatol na tanong ko, pero mahina lang ang aking boses.
“May pangalan naman siya, and do you think I let you go when my sister knows that we were together but right now, I’m here with someone else not with my wife?” sarkastikong anas niya at halatang naaasar din.
Ah, ganoon pala iyon? Ayaw niya lang na malaman ng ate niya na wala na ako rito at iba na ang kasama niya? Na kasama na niya ang kabit niya? Tsk, buwisit.
“Are you really still defending her?” nakangising tanong ko sa kaniya.
“Yes. She’s the love of my life,” mayabang na sagot niya. Nang ngumisi rin siya sa ’kin ay mas lalong nabuhay ang inis ko.
Nararamdaman ko naman ang pagsikip sa aking dibdib at ang pagbilis nang tibok nito. Ang sakit pala talaga. Parang may libo-libong karayom ang bumaon sa puso mo, tapos mahihirapan kang huminga. Ganoon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mukhang mahal na mahal niya talaga ang babaeng iyon at may pagmamalaki pa sa boses niya.
Natameme ako sa sinabi niya, kaya ilang segundo kaming walang imikan. Hayon na naman ang awkward atmosphere, but ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas na ang pinto ng elevator. I felt relief. Thanks God.
Nauna na akong lumabas mula sa elevator at naglakad na palapit sa naka-landing na chopper. Halatang naghihintay na sa akin ang private pilot namin, katabi nitong nakatayo ang assistant niya. Tumango lang sa akin ang piloto bago naunang sumakay sa chopper.
Sinulyapan ko ang kasama ko. “Hurry up,” utos ko kay DV at nagmamadali na rin akong sumakay. Ni hindi ko na siya nilingon pa. Agad din naman siyang umupo sa tabi ko.
Isa’t kalahating oras ay nakarating na kami sa Palawan. Pagkababa ko pa lang ay sinalubong na ako ni Bud.
“Madam, the car is ready,” aniya at tinanguan ko lang siya bilang tugon. Lumapit ako sa nakaparadang itim na sasakyan sa parking space at dahil nga nagmamadali ako ay malalaki pa ang bawat hakbang ko. “This way, sir Avelino,” dinig kong sambit ni Bud kay DV.

BINABASA MO ANG
My Wife's Tears (COMPLETED)
RomanceShe is brave if everyone looks at her and known as a ruthless business woman, who has no weakness but deep inside she is hurting and has been through a lot in life. Especially when she lost her father. She was married to a surgeon doctor who loved s...