Her first tears
MABILIS naasikaso ang lahat sa amin ng Avelino family. Sa tulong na rin ng connection ng papa ko at mas lumaki pa yata ang galit sa akin ni Dervon, nang makilala niya ako bilang future wife niya. Lalo nang ikasal kami na agad-agaran.
Pagkatapos ng kasal namin ni Veins ay kaagad na niya akong inilayo roon at hinila papuntang parking lot.
“Hey, wait up! Dahan-dahan naman. Mataas ang heels ko!” reklamo ko, pero parang wala lang sa kaniya kung magkandarapa na ako sa kahihila niya at hindi niya talaga ako pinapansin. Dedma lang siya.
Huminto kami sa pulang kotse at marahas na tinulak ako papasok sa loob. Napaka-gentleman naman niya! Note the sarcasm, please!
“Tsk.” Suplado talaga siya.
“Ouch!” impit na daing ko at napasubsob ako sa upuan nito. Ang sakit!
Napapikit pa ako nang pabagsak niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya. What the fvck is his problem?!
Mabilis na umikot naman siya at pumasok sa driver seat at mabilis niya ring pinausad ang kaniyang kotse, kasabay na pinaharurot na niya ito palayo.
“Hey, slow down!” sigaw ko at dali-daling ikinabit ang seatbelt ko. Natakot ako ro’n, ah! Fvck him! Nang maayos ko na ang pagsuot ng seatbelt ko ay napatingin ako sa labas ng bintana. “Holly shit!” malutong na mura ko, for Pete’s sake halos hindi na makita ang dinaraanan namin, dahil sa mabilis na pagmamaneho niya.
“Can you shut up?!” he shouted at me.
“Mababangga tayo. Bagalan mo naman!”
“The hell I care?!” Nagtatagis ang bagang niya, sa sobrang galit sa ’kin.
“Damn you, Dervon Veins Avelino!” I cursed him.
“Don’t fucking curse me, woman!”
“What’s wrong with you?” tanong ko na hindi naman siya nag-abalang sumagot.
Mayamaya pa ay hininto niya ang kotse sa tapat ng Avelino Condominiums.
Napapitlag ako nang marahas na bumukas ang pinto sa shotgun seat at mukha ni Veins ang nakita ko.
“Get out!” Hindi agad ako nakagalaw, dahil sa pagkabigla kaya marahas na hinawakan niya ang braso ko at hinatak na ako pababa.
“Veins! Ano ba?! Nasasaktan ako!” sigaw ko, pero para siyang bingi at dire-diretso lang ang paglalakad namin.
Naramdaman ko ang paghapdi sa aking braso, tiningnan ko naman ito at namumula na nga. Bakas ang kaniyang kamay sa balat ko. Dahil maputi ako ay halata ang pamumula niyon.
Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Nabasa agad ang aking pisngi. Alam kong ayaw niya sa ’kin. Ayaw niyang maikasal, pero wala siyang choice.
Kagustuhan naman ito ng parents niya and I know, my girlfriend siya. May Mahal na siyang iba.
Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala kami sa elevator at hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko.
“Veins, let go of my hand,” mahinang sambit ko.
“Don’t call me by my second name!” Hinila na naman niya ang aking kamay. Puro hatak na lang ang ginagawa niya at ramdam ko ang galit sa paraan ng kaniyang paghawak.

BINABASA MO ANG
My Wife's Tears (COMPLETED)
RomanceShe is brave if everyone looks at her and known as a ruthless business woman, who has no weakness but deep inside she is hurting and has been through a lot in life. Especially when she lost her father. She was married to a surgeon doctor who loved s...