CHAPTER 6

14.1K 210 2
                                    

Be strong

PUMIKIT ako at huminga nang malalim. Naguguluhan ako at hindi talaga ako ganito. I’m not crying over someone; I genuinely don’t care about them. My well-being is all I care about, and of course kasama na roon ang pamilyang mayroon ako. Hindi rin naman ako mahina.

“Hey, Aurora!” Nagulat naman nang may tumawag sa akin.

Nang tingnan ko ito ay si Hajinn lang pala. Kumaway pa siya sa ’kin, bago siya umupo sa tabi ko.

“Bakit ka sumunod? Iniwan mo roon ang kaibigan mo?” tanong ko sa kaniya. Magaan ang loob ko kay Haze. Siguro dahil ibang-iba ang ugali niya compared sa asawa ko.

“Hayaan mo na silang dalawa. Magsama silang mga baliw,” aniya at ngumiti na naman siya. Kaya lumabas na naman ang asset niya sa magkabilang pisngi. Ang dimple niya mismo. “Okay ka lang ba?”

“Huwag mo akong kaawaan,” malamig na sambit ko at tumingin sa asul na karagatan.

“Tinatanong lang kita kung okay ka lang. Hindi kita kinakawawa, ha. Hindi mo nga ako pinansin kanina. Nagmukha akong baliw habang kinakausap ka. Pero ikaw ay behave lang,” sabi niya at parang may hinanakit sa kaniyang boses.

Ang ayoko sa lahat ay ang kinakaawaan ako. Ayoko ng ganoon kasi pakiramdam ko ay mahina ako sa paningin nila.

Gusto ko iyong nakikita nila na kaya ko at matapang ako. Na wala lang sa akin ang lahat, dahil kung ano pa ang problema ang dumating sa buhay ko ay kaya kong harapin ng mag-isa. Na isa lang naman itong pagsubok. Dahil iyon naman talaga ako. Iyon ako at hindi ako umaasa sa iba.

“Then what are you doing here?” I asked him. Ang aking atensyon ay nasa magandang tanawin. Ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko.

“Makikitsimis lang naman ako,” mabilis na sagot niya, kaya sinulyapan ko siya. “Kidding aside. Ayaw ko lang sa mga lalaki na sinasaktan kayong mga babae. Galit ako sa mga lalaking ganoon, na iyong sinasaktan nila ang mga babae. Na wala namang ibang ginawa sa kanila, kundi ang mahalin sila.” Sa boses pa lamang niya ay nahihimigan ko ang iritasyon niya.

“Pero lalaki ka.” kunot ang noong sambit ko.

“Yes, pero iba naman ako. Hindi ako katulad nila,” depensa niya sabay ngiti na naman niya. Honestly speaking, nakadadala talaga ang ngiti niyang iyan. Kahit sinong tao ay mahahawa.

“But I’m curious, Haze. Bakitb ka naman galit sa kauri mo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

“Marami akong kapatid na babae, Aurora. Ayokong nakikita silang sinasaktan ng mga lalaki. Oo, lalaki nga ako. Ngunit malaki ang respeto ko sa inyo. Hindi ko lang kayang makitang umiiyak ang mga babae, dahil sa kanila. I’ve seen the pain firsthand—sa mommy ko mismo.” Nagkainteres ako bigla sa kuwento niya.

“What happened?”

“Bata pa lang ako noon at alam ko na
ang dahilan ng mga luha ni mommy. Alam mo ba na pinanganak ako na wala sa tabi namin si dad? Wala siya sa tabi ni mommy sa mga panahon na kailangan siya,” malungkot na sabi niya. Kumislap pa ang kaniyang mga mata.

“Masakit iyon,” komento ko na ikinatango niya.

“Yes. Pitong taong gulang din akong nawalay kay dad at si mom naman. Alam kong mahirap magpalaki ng anak, kahit nag-iisa lang ako. Seeing my mom cry breaks my heart,” he said. I understand. Bilang isang anak ay masakit talagang makita na nahihirapan ang ating ina.

“Tapos? Ano ba ang dahilan kung bakit nawalay ka sa daddy mo? O kung ano ang nangyari sa kanila?”

Tipid siyang ngumiti at bumuntong-hininga. “They’re breaking up, but not because someone cheated. Pero kung sa point of view ng daddy ko ay iyon ang ginawa ni mommy. That’s not true. Someone set them up, leading to father’s heartbreaking decision, and he thinks my mother is only after money. Can you believe that? Dahil lang sa mga taong nasa likod niyon ay nawala agad ang tiwala ng aking ama.”

My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon