CHAPTER 5

13.9K 193 3
                                    

The owner

DERVON’S POV

NASA Paradise Island na kami at hinayaan ko na ang babaeng iyon na mag-check in sa sarili niyang hotel room. Pero hindi pa rin ako nakatulog kagabi, dahil naririnig ko ang mga babala ng ate ko.


Kaya umagang-umaga ay pumunta na ako sa information desk para sana magtanong.


“Miss, may naka-check in ba rito na ang pangalan ay Aurora Pearls Avelino?” tanong ko sa babae.



“I’m sorry, Sir. Pero bawal po iyon. Hindi po kami basta-basta nagbibigay ng information tungkol sa guest namin. Isa po iyon sa rule namin,” magalang na pahayag naman niya.

Ngunit hindi ako mapakali kapag hindi ko alam kung nandito siya. Mamaya niyan ay malalaman pa ng kapatid ko. Ako ang mapapahamak.


“Please, Miss. I just want to know. This is really important,” pakiusap ko para pagbigyan niya sana ako.


“Hindi po talaga puwede, Sir,” umiiling na sabi niya.


“She’s my wife, nagkaroon kasi kami nang tampuhan kagabi kaya umalis agad siya,” pagdadahilan ko na mukhang naawa na rin siya sa akin. Kaya Pinagbigyan na niya ako.


“Aurora Pearls Avelino?” Tumango ako. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang surname na nasabi ko kanina.


“Sir, wala pong Aurora Pearls Avelino ang naka-check in dito,” sabi niya at kumunot ang noo ko. Umuwi ba ang babaeng iyon nang hindi nagpapaalam sa akin? “Kung Crizanto po ang surname ay mayroon.”




Crizanto? That was her surname.


"Siya nga ang hinahanap ko, Miss. Can you check out her hotel room number for me?” desperadong saad ko.



“Hindi po siya naka-check in. Madam Aurora has a private penthouse, Sir.”

Nagulat naman ako sa sinagot niya.  “Penthouse? May sarili siyang penthouse sa hotel niyo?” naguguluhang tanong ko.



"Yes, Sir. She’s the owner of the Paradise island. Nasa ika-50th floor ang penthouse ni ma’am. Totoo ho pala ang balita na ikinasal na si Madam Aurora. You are lucky to have her, Sir. Congratulations po.”

Nagpaalam na lang ako pagkatapos ko siyang pasalamatan. Siya ang may-ari ng islang ito? Paanong hindi ko nalaman ang tungkol doon?


Babalik na sana ako sa hotel room ko nang may nahagip akong pamilyar na bulto ng isang lalaki.

Si Hajinn ba iyon? Sino naman ang kasama niya?

Wait, si Aurora?




Biglang napatingin si Hajinn sa direksyon ko at napangiti siya nang makita ako.



“Hi there, dude! Come over here!” sigaw niya at kumaway pa talaga siya para lang makita ko. Wala sa sariling lumapit naman ako sa kinaroroonan nila.






AURORA’S POV



MAAGA akong nagising ngayon at nakaramdam din ako nang gutom. Walang laman ang sikmura ko noong nakatulog ako kagabi. Kaya malamang magugutom talaga ako.


Sa resto ng hotel ako nagpunta at pumuwesto sa bakanteng mesa. Kanina ay nag-check ako ng list ng mga guest namin. Tiningnan ko kung magkasama sina Dervon at ang babae niya. Hayon, hindi naman pala. Dahil tig-isa sila ng kuwarto. Hindi na sumama ang loob ko dahil doon.



My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon