First night
“MASYADO ka yatang nasiyahan sa wedding dress mo. Hindi ka man lang nagpalit,” narinig kong komento nito sa akin. Nananahimik ako rito ay hayan na naman siya.
Stupid ba siya? Paano ako makakapagpalit kung wala man lang akong damit sa condo niya? At isa pa, hindi ko rin alam kung may extra banyo pa siya!
Ayoko namang abalahin sila sa kuwarto nila. Kung may nangyari man sa kanila. Psh.
Masyado akong napagod ngayong araw. Naubos ang energy ko. Hinilig ko na lang ang aking sarili sa headrest ng sofa at pumikit. Ang sakit din ng paa ko.
“Hey!” sigaw niya at nainis ako sa kaniyang boses. I took a deep breath.
“I will sleep here. Just go to your room,” walang buhay na sambit ko at nakapikit pa rin ako. Sobrang bigat sa katawan.
“You didn’t change your dress,” aniya sa malamig na boses. Stupid nga siya.
“Wala akong damit. Remember, basta mo na lang ako inuwi rito sa unit mo at kasama mo pa kanina ang babaeng iyon. Alangan na isturbuhin ko kayo sa kung ano man ang ginawa niyo roon sa kuwarto mo?” malamig na tanong ko. Napatiim bagang na naman siya, na mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Wala kaming ginawa,” pahayag niya na as if paniwalaan ko siya.
“Really? Gusto mong paniwalaan kita na wala kayong ginawa? Ang tagal niyo sa loob at alam kong ayaw mo sa kasal na ito. Pero sana nirespeto mo naman ako.”
“I told you wala kaming ginawa! Nag-usap lang kami! Yes, ayoko sa iyo pero hindi ko gagawin iyang naiisip mong malisya sa amin ni Arjana,” sabi niya at habang tinititigan ko ang malamig na pagkislap ng kaniyang mga mata ay nababasa kong nagsasabi siya ng totoo.
He can’t blame me, nakita ko mismo nang harap-harapan ang paghahalikan nila.
“Hindi kita pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin. Just don’t cheat in front of me, dahil iba akong magalit, Dervon,” sabi ko pa. Ilang beses na gumalaw ang adams apple niya at nag-iwas siya nang tingin.
Napailing na lamang ako nang makita ko ang pag-walk out niya. Muli akong sumandal sa sofa at napahilot sa aking sentido.
Muli akong bumuntong-hininga at inabot ko ang cell phone ko. Tinawagan ko na lamang ang sekretarya ko.
“Yes, Madam?” mabilis na sagot niya mula sa kabilang linya.
“Puwede bang pakidala rito ang trolley ko, Bud? Just ask my mom,” pakikisuyo ko. “Nasa condo ako ng asawa ko and bring my medicine too. Make it faster, please.”
“Yes, Madam. Wait a minute,”
he said before he hang out the phone.Minamasahe ko na ang kaliwang braso ko nang bumalik si Dervon. May bitbit na siyang something sa kamay niya. Iniwas ko naman agad ang tingin ko.
“Change your dress now.” Nagulat pa ako nang may biglang malambot na bagay ang tumilapon sa mukha ko.
Tinanggal ko ito at itinaas upang makita, isang malaking white shirt and shorts boxer.
“Thanks for this,” mahinang saad ko at dahan-dahan akong tumayo.
Napapitlag naman ako nang may nag-door bell at ang magaling kong asawa ay dali-daling lumapit sa pinto. Bumalik siguro ang babae niya kaya atat na atat siyang pagbuksan ito. I rolled my eyes.

BINABASA MO ANG
My Wife's Tears (COMPLETED)
RomanceShe is brave if everyone looks at her and known as a ruthless business woman, who has no weakness but deep inside she is hurting and has been through a lot in life. Especially when she lost her father. She was married to a surgeon doctor who loved s...