CHAPTER 1

23.4K 305 1
                                    

Future husband

AURORA’s POV

@A.P.C. MALL

NAKASANDAL lang ako sa pader ng A.P.C Mall at tahimik na nanonood sa isang saleslady at sa isang customer na nag-uusap sa mga oras na ito.

“Miss! Puwede bang ayusin mo ulit ang shoes na ’yan? Kanina lang ako nag-aayos niyan, eh! Tapos gagalawin mo lang lahat? Umalis ka na lang dito sa A.P.C mall, kung hindi ka naman bibili!” pasigaw na sambit ng saleslady sa customer niya, the saleslady doesn’t have the right to shouted her customer in that way.

She should know her place...

“Eh, Miss, kaya nga sinusuot ko para naman makasigurado ako na kasya ba sa akin o hindi,” the customer reasoned out. Pero nasa mukha na nito ang iritasyon sa saleslady.

“Ano ba ang silbi ng size mo?!  Titingnan mo lang naman ang size!” malakas ang boses na sabi ng saleslady. May point siya pero mali naman ang sigawan ang customer niya.

Saka isa pa, responsibilidad ng isang saleslady ang e-entertain nang maayos ang customer niya at responsibilidad din niya ang ayusin ang nagulong shoes kung nagulo nga ito ng mga customer namin. But she still has no right to shout at our customer.

“Alam mo, ikaw! Ang tabas ng dila mo! Saleslady ka lang naman dito, ah!” pagalit na saad ng customer at napamaywang na ito. Hindi na nakapagtimpi pa ang customer at nasagad na ang pasensya nito sa kanya. Katulad ng aking inaasahan.

“Pakialam mo ba, ha?!” pasigaw na tanong naman niya habang nakapamaywang na rin.

“Where’s your manager?!” nagagalit na tanong nito at kitang-kita sa hitsura nito ang galit.

Lumapit na ako sa dalawa, tumingin pa ako sa paligid. Maraming customers at saleslady ang nanonood. Naabala ang karamihan dahil sa sigawan nila. Ang iba ay napapahinto talaga sa mga ginagawa nila para lamang makiusyoso.

“What’s going on here?” malamig na tanong ko sa kanila at binalingan ako ng empleyado ko, she even raised her eyebrows at me.

“None of your business!” sigaw niya sa akin at may narinig pa ako na napamura sa paligid. Hindi niya ako kilala pero may mga iilan ding nakikilala ako. I took a deep breath and I looked at the girl with my bored eyes.

“It”s my business, Miss saleslady, what”s your name?” kalmadong tanong ko sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan. Walang emosyon.

“Why are you asking my name?” supladang balik na tanong niya sa akin at napailing ako sa mga inaakto niya ngayon. May nakalimutan siya at ngayon ay ituturo ko sa kanya kung ano iyon.

“I think, you’re just a new employee here,” sambit ko at nagtipa sa keyboard ng phone ko. Wala pang limang segundo ay nasagot na ito mula sa kabilang linya.

Yes, Madam? M-May I help you?” nauutal na tanong ng secretary ko over the phone.

“May I have the biodata of our new employees at APC mall? Here at the second floor, shoes section. I need this now ASAP. I’ll just give you ten minutes,” seryosong sambit ko at hindi ko inalis ang tingin ko sa babae.

“Who are you?” tanong niya sa akin, kalmado na ang boses niya ngayon.

“You know what, Miss saleslady, anytime ay puwede kang tanggalin sa trabaho mo,” sabi ko at napa-cross arms ako.

“So, what?” Napahawak ako sa sentido ko. Tsk! Pinapainit niya talaga ang ulo ko!

“Madam, here’s the copies.” Napalingon ako sa nagsalita and I looked at my expensive wristwatch.

My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon