PROLOGUE

34.9K 407 10
                                    

IMPORTANT NOTICE: (Toxic reader/negative feedbacks will be automatically muted)


THE BREAKFAST is ready, si DV na lang ang kulang. Akmang maglalakad na sana ako nang makita ko siya na papasok na sa kitchen. I smiled at him and there’s no emotion written on his face. As usual.



“DV, breakfast is ready. Kain na tayo?” nakangiting aya ko sa kaniya, lihim na ngumiti ako nang umupo naman siya.



This is my first time to cooked his breakfast, palagi kasi siyang maagang pumapasok sa work niya, e. Umupo na rin ako at inabot ko sa kaniya ang kanin.


“I don’t eat rice in breakfast,” malamig na sambit niya. Binitawan ko na lang ulit ang kanin sa plato at inabot ko naman ang plato ng bacon.



“Heto,” sabi ko nang nakangiti pa rin.


“I don’t eat bacon,” walang buhay na pahayag niya. Ang sungit naman ng asawa ko! Sumubo siya ng fried chicken kaso mabilis niya nailuwa iyon. “What the hell?! Fried chicken pa ba ito? Bakit ang tigas?!” Napaigtad pa ako sa biglaan niyang pagsigaw sa akin.



Nanlaki ang aking mata nang sumubo na siya ng bacon. I thought he didn’t eat bacon, just like what he said kanina.

“Uhm, DV.” Nag-alala na ako baka iba ang lasa.


“Ang alat!” Iniluwa niya rin ang bacon at saka siya uminom ng orange juice kaso maging iyon ay hindi niya nagustuhan. He glared at me. “Napasobra sa tamis ang juice mo! I lost my appetite!”


Padabog na tumayo siya at halos magsalubong na ang makapal niyang kilay. Napasunod naman ako, saka ko kinuha ang mug ng coffee.


“Just drink this coffee, DV,” saad ko sabay lapit ko sa kan’ya at inabot na ang kape.


Nagulat ako nang bigla niya itong tinabig, naramdaman ko pa ang mainit na kape na tumalsik sa kamay ko at nabasag na rin ang baso, dahil nahulog ito sa sahig.


“Sigurado akong matamis din iyan. Papatayin mo ako sa luto mo, e,” mariin na sabi niya at tinalikuran na niya ako after that.



My tears flowed down on my cheek. Pinaghirapan ko ito. Gumising ako nang maaga para ipagluto siya ng breakfast. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko nang paulit-ulit, dahil sa ginawa niya sa akin ay asasaktan ako.


Alam ko naman na hindi ako marunong magluto, but I tried to cook for him. Unfortunately, I failed. Kahit na ang daming maliliit na sugat sa daliri ko at ang dami ko ring paso sa kamay. Nag-effort pa naman ako para dito.


Lumuhod ako at pinulot ang nabasag na baso, pero nasugatan lamang ako.


Simpleng pagpupulot lang ng nabasag na baso ay hindi ko pa magawa ng tama. Napaiyak na lamang ako nang tahimik.


Hindi ako marunong ng gawain sa kusina, e.

Hindi ako perpektong asawa. Parang hindi ako babae at hindi man lang magawang ipagluto ng masarap na pagkain ang sariling asawa.

I am Aurora Pearls Crizanto-Avelino and married with Dervon Veins Avelino.


He’s heartless when it comes to me, may mahal na kasi siyang iba. May girlfriend siya, kaya alam kong galit siya sa ’kin, dahil sa pagpapakasal namin na labag sa kalooban niya.

Anyway, I’m a business woman and my husband is a surgeon doctor.

My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon