❝𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐎𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐇𝐀𝐓𝐄, 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐎𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐄𝐗𝐈𝐒𝐓.❞
Naniniwala ka ba sa kasabihan na "THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE?" Kung oo, magkakasundo tayo. Sino ba namang nag pasimuno ng kasabihan na yan. Ang rupok naman n'ya.
"Katche! Samahan mo ako sa canteen!" maluha luha akong lumapit sa kaibigan ko na ngayon ay may dalang walis.
"Ayoko! hindi mo naman ako nililibre," nakasimangot na pagkakasabi nito.
Kinapa ko mula sa bulsa ng palda ko ang sampung piso na hawak ko. Ang yaman ng babae na ito, sa akin pa mag papalibre.
"Oy taba! tabi. Pupunta ka na naman ng canteen. Ang laki laki na nga ng t'yan mo."
Mabilis ko na dinampot ang kuwelyo ni Raymark, at hinila ito.
"Mataba ako, pero maganda ako. Ikaw? kahit tumaba ka panget ka parin." Taas noong wika ko. Napuno ng malalakas na tuksuhan at tawanan ang buong hilera ng Grade 7. Nakalimutan ko, sumobra pa ata ang pagiging mahangin ko.
"Narinig n'yo 'yon? Ang ganda daw n'ya! Hindi ka naman magugustuhan ni Dandred!" panunukso nito, at binangit pa ang pangalan ng elementary crush ko.
Nag init ang mga mata ko, sana sa grade 8 hindi ko na s'ya kaklase.
-
"Nako, ikaw Raymark huh. Kayo na pala ni Julia." Panunukso ng teacher namin sa Mapeh.Tumingin ako kay Raymark, nakangising aso itong nakatingin sa akin. Grade 8 na kami, pero ito parin. Kaklase ko parin s'ya. Bwiset sya! ang panget n'ya.
"Lyka, hinahanap mo ba ang bag mo? nakita ko dun sa inidoro. Doon nilagay ni Raymark, naihiian pa nga ni Ma'am 'e. Hindi siguro nakita, kasi madilim sa cr," nag mamalasakit na paliwanag ng katabi ko sa upuan.
Hindi ako pamilyar sa pangalan ng mga ka-klase ko. Simula nang nabully ako, hindi na ako masyado pumapasok.
-
"Hello Grade 9 Rose, welcome to school year 2016-2017."Mabilis ko na nilibot ang buong klasrum. Please lord sana hindi ko na s'ya kaklase.
-
Hindi ko naging ka-klase si Raymark noong Grade 9, ewan ko ba. Kahit naman wala s'ya, feeling ko hindi parin ako okay."Anak, pumunta ka na sa room mo. Kinausap ko na ang principal," nginitian ko si mama na ngayo'y katabi ko na.
"Wala na naman sigurong mang aaway sayo dito. Pagbutihan ang pag aaral." mabilis akong tumango at iniwan ito. Naiiyak ako, gusto ko lang naman mag aral pero bakit ganito. Kailangan ko pang lumipat ng school para lang umayos ang Junior High life ko.
Ikaw ba? papayag ka ba? kahit sa sarili mo. Habang kinaiinisan mo ang taong kinagagalitan mo. Hindi mo alam, hahanap hanapin mo parin ang presensya n'ya.
"And the queen of the night! Ms. Lyka De Guzman."
Nakaka binging palakpakan ang maririnig sa buong Hall. Maingat ako naglakad at pumunta sa unahan. Isang nakakasilaw na spot light ang sumusunod sa akin palapit sa unahan.
"And the king of this night will be... Raymark Cervantes!"
Nakita ko na naglakad ito palapit sa akin, ito na ang last dance ko. Wala na itong suot na coat. Hanggang ngayon, badboy parin.
Hinawakan nito ang bewang ko at bumulong sakin.
"Can I court my target?
@𝐈𝐛𝐲𝐚𝐧𝐠𝐬_𝐬𝐤𝐢𝐞𝐬
-
Happy reading ♥️
Plagiarism is a crime.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)
Short StoryKindly visit my Facebook role play account for more one shots & convo stories. Grammatical and typo's ahead. (I-edit pa) Enjoy reading.