𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐋𝐎𝐕𝐄.

8 3 0
                                    

"Ate Miracle required ba talaga na pag mag jo-jowa ang writer, writer din?"

Inangat ko nang  tingin si Robin na nakasilip sa bintana at pinagmasadan ang pag buhos ng ulan. Agad naman akong umiwas nang  tumama ang mga mata nito sa akin.

"Hindi siguro, dipende pa din yun sa nararamdaman mo." Walang kagana ganang sagot ko at tinuloy ang pagtipa sa laptop ko.

As a writer gusto ko na madaming nakaka appreciate ng mga stories na ginagawa ko. When someone appreciate your works, Para bang napakalaking achievements na yun kahit isa or dalawa lang para kang gaganahan magsulat ulit kasi ayaw mong mabibigo sila or malalaman nilang sumuko ka dahil walang sumusuporta sayo.

"How about kuya Kiel ate? I thought you like him?"  Tanong  pa ng kapatid ko na si Robin habang may hawak hawak na gitara at nakaupo paharap sa bintana.

"I confessed." I said na nagpatigil sa pagtipa nito ng gitara.

Bigla namang nagliwanag ang mukha nito at nanunuksong tumitig sakin. Close sila ni Kiel everytime na magkikita kami ni kiel lagi syang dumadalaw sa bahay.

"He reject me, Ayaw daw niyang mag ka girlfriend ng writer gusto daw niya reader saka alam mo na mag kaibigan kami ang awkward diba?" Pag amin ko habang hindi parin inaalis ang paningin ko sa laptop ko.

Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng diretso. Anytime na maiisip ko yung mga tagpong umamin ako kay Kiel babagsak ang mga luhang tinatago ko.

"Wait what? Look ate naka inrelationship sya kay ate Trixie writer yun diba?"  tanong nito.

Tila pawang napatigil ako sa ginagawa ko at nag angat ng tingin kay Robin. Hindi ko alam ang dapat kung maramdaman, Unti unting namuo ang mga nag babadyang luha sa mata ko.

"Ate Mira wag kang umiyak." Kaagad nitong tinahak ang pagitan naming dalawa at hinagod ang aking likod.

"Kukuha lang ako ng tubig ate Mira." Sambit pa nito at umalis  sa aming silid.

Pinahid ko muli ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sinabi niya sa akin na hanggang mag kaibigan lang kami. Ganun pala iyon kahit anong lapit mo sa isang tao at walang siyang espesyal na pagtingin sayo ay walang mababago.

Naalala ko ang isang post sa facebook ng isang sikat na writer. Pag mahal mo mahalin mo lang huwag mong pilitin ang tao na mahalin ka pabalik dahil alam mo na sa umpisa pa lang ikaw ang unang nagmahal hindi siya. Mariin akong pumikit at sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko sinulyapan  ko muli ang laptop ko at binasa ang nakasulat sa wallpaper nito.

" Dear heart, please let these feelings fade."- Perry Poetry

@𝐈𝐛𝐲𝐚𝐧𝐠𝐬_𝐬𝐤𝐢𝐞𝐬

-

Happy reading ❤️

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now