𝐌𝐄𝐃𝐘𝐀𝐒

11 3 0
                                    

𝐏𝐔𝐓𝐈 𝐑𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐘𝐀𝐒 𝐊𝐎 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐀𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐓.

“WALA KA BANG PAA?”  inis na tanong ko kay Althea.

“Hindi mo ba nakikita na baha sa pedestrian lane? puti kaya ang kulay ng medyas ko!” parang bata na wika nito.

“Mare huh, ang arte mo!” angal ko pa.

Katatapos lamang ng shift sa hospital na pinag ta-trabahuhan namin pero sobrang lakas ng ulan. Mabuti nalang at may payong kaming dalawa pero na stranded kami sa pedestrian dahil sa tubig kuno na narito.

“Literal na baha d'yan, umuulan 'e. Ano ka ba, kung kanina pa tayo tumawid, 'edi sana naka sakay na tayo sa bus ngayon.” manenermon ko rito.

“Mababasa nga!” bawi pa nito.

“Anong gagawin? dito ka nalang? kasi ako, pauwing pauwi na ako.” Inirapan ko ito kasabay ng pag yakap sa sarili dahil sa sobrang lamig.

“Ayan and'yan na s'ya!” tili niito.

Lumapit samin ang isang lalaki na sa tingin ko ay matanda lang sa akin ng dalawang taon. Sinasabi ko na nga ba, ang kaartehan nito ay may kasamang kaharutan. Binuhat nito ang kaibigan ko at aambang tatawid. Oo, bitter ako. Hindi na ata maalis 'yon.

“Madulas sana kayo.” naiinis na wika ko.

Nagtuloy tuloy ito sa paglakad hanggang sa nadulas ang lalaki sa bandang gitna kasabay ang pag bagsak ng kaibigan ko sa tubig.

Hindi ako masamang kaibigan, sadyang natawa lang ako. Aarte kasi, puwede namang mag lakad nalang. Dinaanan ko ang dalawang ito at inirapan. Okay lang na mabasa ang medyas h'wag lang ang kabuuan ng katawan ko.


Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now