"𝐁𝐄𝐋𝐈𝐄𝐕𝐄 𝐌𝐄, 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐈𝐍𝐈𝐋𝐈"

10 2 0
                                    

"Ang ganda," wala sa wisyo na sambit ko habang nakatingin sa kalangitan.

"Mas maganda ka," sambit ni Alick na nasa tabi ko.  Inismiran ko naman ito sa sinabi nito. Sure ako na may kailangan yan kaya pinupuri ako.

"Joke nga lang," nasundan ito ng mga nakakainis na halakhak na nagmula sa kanya.

Akmang pabirong isasaksak ko ang dulo ng payong na dala ko sa kanya. Nakakahiya nag dala pa ako ng payong hindi naman pala uulan. Napag kasunduan namin na pumunta sa plaza dahil may inorder daw s'ya kuno at dito n'ya ito kikitain.

"Ang tagal naman, ano ba kasing inorder mo? Bahay?" pabirong sambit ko dito.

"Boang ka ba? Na dedeliver ba ang bahay?" naka simangot nitong wika.

"Medj," nang iinis na wika ko. Pinasadahan ko ang suot nito ngayon. Naks porma, hihintayin lang naman ang inorder n'ya.

"Saan punta mo Alick? Pormang porma ka, hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi ka naawa sakin para akong alalay mo."

"You hit the note," pang aasar ulit nito. Sa pagkaka taon na 'yun tinusok ko na talaga sya ng payong sa tagiliran.

"Aray naman!" natatawang daing nito. Wow huh, nasakatan na at lahat masaya pa sana all nalang sa kanya.

"Sofia may sasabihin ako,"

"Hmm?" tanong ko

"Sir?" Sabay kaming napalingon sa lalaki na may dalang bouquet.

"Uy kuya, ito na ba 'yon?" tanong ni Alick dito.

Kwestyunable ko itong tiningnan, hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Nag assume na naman ako, ganito pala talaga pag gusto mo 'yong tao. Nginitian ako nito at may kung anong kinausap sa cellphone n'ya.

"Sofia, okay lang ba itsura ko?" tanong nito.

"Okay lang naman, bakit?" balik na tanong ko rito.

"Alick?" Isang hindi pamilyar na boses ng babae ang nag mula sa likuran nito.

"Love?" tanong ni Alick matapos nya itong lingunin.

May kung anong kirot akong naramdaman. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Bakit hindi ko ito alam, samantalang lagi kaming mag kasama?

"Sofia this is Tamara, my girlfriend." pag papakilala nito sa kanyang girlfriend. Napako na yata ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko man lang mangitian ito.

"Sorry talaga hindi ko nasabi, nabigla ka tuloy," bawi nito.

" Ahhh o-oo nga, nabigla ako sobra." sambit ko at sinundan ng pekeng tawa.

"Hi?" na agawa ng atensyon ko si Tamara na ngayon ay nakangiti na nakatingin sa akin. Sinuklian ko na lamang ito ng isang ngiti. Hindi naman ako na inform na ganito pala ang mangyayari magiging third wheel pa nga yata ako.

"Alick, alis na ako may gagawin pa ako. Enjoy kayo, and stay strong." Pag papaalam ko dito at tumalikod. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Alick ang gusto 'ko lang ay ang makaalis agad sa lugar na 'yon.

May tubig na biglang pumatak sa mukha ko. Nakakatawa lang, sobrang init pero ang lakas ng bagsak ng ulan. Ito siguro ang purpose ng payong na dala 'ko. Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak. Akala ko pwede kami, akala ko may pag asa na magugustuhan nya din ako. Pero hanggang akala lang pala, hanggang kaibigan lang talaga.

Alam n'ya na may gusto ako sa kanya matagal na. Nakakatuwa lang dahil hindi n'ya ako nilayuan pero hindi ko talaga maiwasan mag aasume.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko nang biglang tumunog  ang cellphone ko. Nag notif ang Instagram ko.

1 unread mesaage

"Ang sakit 💔."

Napatawa ako sa nabasa ko galing sa girlbestfriend ko. Araw ba ngayon ng mga sawi? Mabilis akong nagtipa ng mensahe pabalik dito.

"Believe mas masakit ang ikaw nandyan para sa kanya pero hindi ikaw ang pinili."

-
Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now