"Happy new year!" Isang malakas na sigaw ko habang hawak ang sandok ng spaghetti.
"Lyn! baka lunukin mo 'yang sandok, madami pang kakain!" Napatawa na lamang ako kay Shawn na ani mo'y parang bata.
"Oh! iyo na, ikaw yata ang may gustong lumunok nito," pagbibiro ko.
Ito ang pangalawang pag salubong ko ng bagong taon kasama ang mga kaibigan ko. Pag kasama ko sila, sobrang saya ko. Lalo na kung si Shawn ang kasama ko. Ganun talaga ako, pag may gusto ako sa isang tao lagi kong iniinis. That's the way to show my love for him, I love teasing him and aside from that, I love him.
“Lyn? Nag mahal ka na ba?” tanong nito habang nakatingin sa mga bituin. Konting oras nalang maghahati na ang gabi.
“Oo, Hanggang ngayon naman. May minamahal ako,” natatawang wika ko habang nakatingin sa mapupungay n'yang mata.
“Ang malas naman ng lalaki na ‘yan, baka gwapo pa ako d'yan,” nag bibirong saad nito.
“Gwapo yun, parang ikaw.” Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Lumamig ang simoy ng hangin pareho lamang kaming naka tingin sa kawalan. Hindi parin mawawala ang mga ingay ng mga bata at mga paputok.
“10,9,8,7,6,5,”
Nag simula na mag countdown, tumayo kaming dalawa mula sa pag kaka upo at sumabay sa pag bibilang.
“4,3,2,1! Happy New Year!” malakas na sigaw ko.
“Lyn, I like you,” sa kabila ng mga ingay sa paligid hindi nakaligtas sakin ang mga salitang binitiwan n'ya. “Let’s take a risk, can we?” tanong nito.
Walang salita ang makakapag explain kung anong nararamdaman ko sa mga tagpo na iyon, Sabi ko, sobrang suwerte ko dahil ang taong mahal ko, mahal din ako. Pero kung gaano kabilis nangyari ang lahat, ganun din kabilis nawala. Oo, nawala.
“Lyn! Bilisan mo panoorin na natin yung nga fireworks ang gaganda.” Hinila ako ng kaibigan ko papunta sa mga nag kukumpulang tao.
Mula sa likod ay nakita ko s'ya kasama ang taong mahal n'ya simula pa nung una. Nakakatawang isipin suot n'ya parin ang sweater na ibinigay ko. Yung sweater nalang ang kasama n'ya sa pagkakataong ito na nag mula sa akin. Pero ako? Hindi na.
Mag papalit na naman ng taon, pero hindi ko na sya kasama. At hindi na rin ako, at nalaman ko na kahit kailan hindi pala naging ako.
End
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)
Cerita PendekKindly visit my Facebook role play account for more one shots & convo stories. Grammatical and typo's ahead. (I-edit pa) Enjoy reading.