JO-JOWA PA MAMATAY DIN NAMAN!

10 3 0
                                    

Inunat ko ang aking mga kamay at tumayo mula sa aking pag kakahiga. Bumaling ako sa kalendaryong nakasabit sa pader ng aming tahanan. Gosh umabot ng Ber months na paganito ganito ang buhay ng mga tao. September na agad parang kailan lang nag celebrate ng New Year.

"Aes, selpon na naman ang hawak huh, walis muna."

" Oh sure mader, lakas mo sakin."  Umalis ako sa harap nito at pumasok sa loob ng banyo.

" Nako iyan na naman tayo nak, nasa cr ka na naman. Isang oras ka na naman diyan." Dinig ko na buwelta nito.

Umupo agad ako sa inidoro at binuksan ang aking mahiwagang selpon.

Relationship status agad ng mga kilalang writers sa rpw ang bumungad sakin. Kinginang yan walang poreber mga erp.

Hindi rin nag tagal ay lumabas na ako dala narin ng gutom at pag ka iyamot sa laman ng news feed ko.

" Anak, nandito si Marielle."

" Bakit daw ma?" Bulong ko kay mama na kakatatabi lang sa akin.

Kinurit naman agad nito ang bewang ko. "Chissmisan na naman huh, agang aga mag toothbrush ka muna." Gigil na wika nito.

" Bess, may chika ako." Agad naman itong umupo sa sofa namin at tinaas ang paa.

Kapal talaga ng mukha, mas makapal mukha niyan pag may meryenda.

" Bess, miss ko na si Ryan."

Kunot noo ako na lumingon dito, habang hawak ang tasa ng kape. " Jowa ko na si Ryan  yung taga sarado at bukas ng tubig ng Barangay." Muntik ko nang maibuga ang kape sa kanya.

"P-pota? kailan pa?"

" Kahapon lang, miss ko na nga agad eh." Buwelta  nito at dinilaan ako na ani mo'y nang aasar.

" Yak hindi ka miss nun." Sigaw ko. Bitter na kung bitter ano ba yan unang linggo pa lamang ng  Setyembre  na bi-bitter agad ako.

"Okay lang nakakatagap naman ako ng sampong I love you sa isang araw." Pinandilataan ko naman ito ng mata.

" Pwede ka na lumayas bhie, agang aga iinit ulo ko sayo." Sambit ko at tipong ibubuhos sa kaniya ang tasa ng kape na hawak ko.

Agad itong tumayo at ngumisi. "Pumunta talaga ako dito para buwisitin ka." Proud na sabi nito at tumakbo ng mabilis.

" Oh bakit tatakbo na iyon?" Tanong ni mama na ngayon ay kapapasok lang ng sala.

" Pinalayas ko ma, may jowa daw e."

"Ingit ka naman, palibhasa hindi ka natipuhan ni Tignoy. Yung mag we-weteng sa Barangay.

"buwisit agang aga."

-

Happy reading ❤️ Plagiarism is a crime.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now