let's kill this love yayayayayah~
"ate tama na nga ang ingay mo" bulyaw sakin ng kapatid ko
Nagpapatugtog kasi ako sa speaker ng blackpink song hahah and take note todo ang volume bwahahhahaa
"Tinay patayin mo na nga yan kanina pa akong rinding rindi sayo di ko naman naintindihan" bulyaw naman ng aking ina
"Nay minsan na nga lang ako mag ganito pag bigyan mo na" sambit ko pa dito
"Love love love pang nalalaman si ate hindi naman sya gusto ng crush nya" panunukso pa ng kapatid ko
abah namemersonal yata to takteng batang to grade 4 palang inaaway na ako dahil sa mga love love na yan jusko
"Mama kaya ganyan si ate kasi di sya gusto ni kuya christian" pahabol pa nito
abah potaena idinamay pa ang gagong lalaking yun na nagustuhan kung ng limang taon kainis
"Wow naman ma! alam mo ba yang si brix may gusto kay kate dun sa anak ni ate evelyn yung singkit" sigaw ko at alam kong rinig yun ni mama bwahahahah
Kaagad ako na alarma ng biglang may dala dalang pamalo ang kapatid ko at hinabol ako
Potaenang bata to hinabol ba naman ako sinabi ko lang naman yung pangalan ng crush napaka defensive
"Hoy kayo mga bata kayo itigil nyo na yan ang babata nyo pa para sa crush crush na yan alam nyo bang diyan nagsisimula ang mga boypren at gilpren na yan pag nag ka crush ka mag kakajowa ka na mag aral muna bago lumandi" bulyaw muli sa amin ni nanay
Bahagya akong sumilay sa aking kapatid na masama ang tingin sa akin ng mga mata at unti unting dinilaan ito
"Ma! bakit si ate bente ang crush"sigaw nito
luhh wala naman masama kung madami ang crush duh problema nito sakin
"kahit isa wala namang jowa" patuloy nito
Bahagya akong natigilan at tila sumakit ang tenga sa narinig ko kasabay ang malakas na halakhak ng aking ina mula sa kusina na tila ba hindi na maawat awat pa sa pagtawa oo nga no? bakit nga ba wala ako jowa nyemas na buhay to kaagad ko namang sinamaan ng tingin ang kapatid kong may mapanuksong ngiti sa akin
"hah! sige lang pikunin mo lang ako di ka makakahiram sakin ng cellphone" pag iisip ko
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)
Short StoryKindly visit my Facebook role play account for more one shots & convo stories. Grammatical and typo's ahead. (I-edit pa) Enjoy reading.