𝐇𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐓𝐄𝐍 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐑𝐄 𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐁𝐔𝐓-

10 3 0
                                    

“Pangako, babalik ako Iya.” Nakangiti na wika ni Paopao habang inabot sakin ang isang bungkos ng santan na kapipitas pa lamang.

“Malayo ba ang Maynila? Gusto ko din pumunta do'n,” magiliw na sambit ko.

Pinagmasdan ko ang santan na aking hawak hawak. “Basta pag katapos natin mag-aral, babalik ka dito huh?"

“Pangako."

--

“Iya, bilisan mo bumangon ka na!" Sigaw ni mama mula sa labas ng aking kuwarto.

Mabilis ako na nag ayos at isinantabi ang mga papel na naka kalat sa kama ko.


Midterm na naman, nakaka stress, Madaming sasakyan ang nasa labas, dahil sa dala ng kuryosidad mabilis akong bumaba at naki chismiss sa labas.

“Iya," mahina na sambit ni mama.

“Jusko, sobrang bata pa kinuha na agad.” Puno nang bulungan ang naririnig ko hanggang isang malakas na pagtangis ang narinig namin. Malakas ang pag pintig ng aking puso. May kung anong karayom ang tumutusok dito.

“Makikiraan ho, ipapasok na ho ang kabaong.” Saad ng isang matandang lalaki papunta sa direksyon... Sa bahay nina Paopao.

Mahigpit ang pag kakapit ko sa braso ni mama. “Ma, sino 'yong patay?” tanong ko dito.

Inakap ako nito at hinagod ang likod ko. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. “Si Paolo anak, patay na si Paolo.”

Sa pagkakataon na 'yon, isang daan na punyal ang walang awa na tumusok sa katawan ko. Nangako s'ya, na babalik s'ya. kahit sa huling sandali. Tinupad n'ya ang pangako na binitawan n'ya.

“Hello, Kung mababasa mo ito. Siguro wala na ako. Tinupad ko ang pangako ko na babalik ako sa bayan natin. Kahit sa huling pagkakataon nagawa ko ang pangakong binitawan ko sayo. Mag aral ka ng mabuti Iya, hanggang sa muli."

Inilagay ko muli sa sobre ang sulat kamay na mensahe n'ya. Tumingala ako at pinagmasdan muli ang kalangitan.

“Hand written letters are sweetest. Pero hindi ganito ang inaasahan ko Paolo."

-

Plagiarism is a crime.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now