Last painful message.

9 3 0
                                    


Hinigpitan ko  ang pag yakap sa jacket ko, sobrang lamig ng panahon ngayon. Malapit na rin ang ber months kaya palamig na nang palamig. Malumanay ko na pinagmasdan ang kalangitan. Mag isa akong nag lalakad pauwi sa bahay, katatapos lang ng klase namin. Liban sa malapit na ang ber months ay may bago parin ngayon. Agad ko na kinapa amg payong sa gilid ng bag ko.

”Rica!" Isang sigaw ang nag palingon mula sa aking likuran. Nilingon ko si Trisha na humahangos palapit sa akin.

"Oh, bakit?" tanong ko rito. Hindi agad ito nakapag salita at hinabol ang kanyang hininga.

" Si Benedict  nakita ko... " Hindi niya natapos ang pag sasalita dahil sa paghabol ng kanyang hininga . Awtimatiko naman akong namang napataas ang kilay ko sa pag bangit nito sa pangalan ng boyfriend ko. " Nakikipag away kasi siya, pigilan mo naman siya oh," nangangatal na sambit pa nito. Lalo pang napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Boyfriend ko tapos hindi ko alam ang nangyayari.

"Huh? saan?" I turn my gaze at her. Tumalikod ito at sinumulan mag lakad. Sinundan ko na lamang ito hanggang sa mapadpad kami s maay shed. Maraming nag tutumpukan na tao at nakita ko agad si Benedict na hawak hawak ng isang lalaki.

"Benedict!" Sigaw ko rito. Nilingon ako nito gamit ang blangkong ekspresyon. Malimit na kami mag usap ngayon lagi nya sinasabing may gagawin siya. But what the heck, kung madami palang siyang ginagawa ay bakit nakikipag away pa siya.

" Rica bakit nandito ka?" galit na saad nito. Kumalas siya sa taong nakahawak sa kanya at pinulot ang bag niya.

Unti unti na umalis ang mga tao na nanonood. Tiningnan ako nito ng masama, dumako ang mata nito kay Trisha na tahimik sa gilid ko. Hinablot ni Benedict si Trisha mula sa gilid ko at humarap sa akin.  Parang may bumikil sa aking lalamunan at nanunuyo ang aking mga labi. Tiningnan ko ang mag kahawak nilang kamay.

"Kami na ni Trisha, tapos na tayo Rica." He said. Lumakad sila papalayo sa akin. Hindi parin mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Bakit sila na, paanong...

Wala akong ganang maglakad pauwi ng araw na yun. Para akong nauupos na papel. Naghihina ang buong katawan ko, hindi na rin tumigil sa pag agos ang mga luha ko.

"Benedict mag usap tayo!" malakas na sambit ko. Pinuntahan ko ito sa room niya para makausap siya. Hindi pwedeng ganun ganun nalang. Hindi nag wowork ang isang relasyon kung isa lang ang mag dedesisiyon.

" Ano ba Rica? Bobo ka ba?" Sigaw nito. Nagsimulan narin ang bulungan sa paligid ngunit hindi ako natinag. " Sabi ko tapos na tayo," saad nito sa kalmadong boses. Tumingin ito sa paligid kaya siguro huminahon ito. Humawak si Trisha sa braso nito.

Hinila ko si Trisha at binigyan ng isang malakas na sampal. Tumahimik at tanging pag patak lang ng kamay ko ang dumagundong sa buong silid. Agad naman itong niyakap ni benedict at umiyak sa dibdib nito. Hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong tumakas sa mga mata ko.

" How dare you Rica... Tama na ayoko na sayo, hindi na kita maha-" Sinampal ko ito ng malakas. Nagsimula na naman ang mga bulong bulongan. Kahit si Trisha ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng silid. Natapos ang araw na sobrang pagod ako. Hindi na rin ako kumain at nag mukmok nalang sa kwarto ko.

" Please Benedict bakit mo ako sinasaktan." Hindi ko na halos makita  ang keyboard sa pagtipa ko dahil sa mga luhang lumalaglag sa mga mata ko. Nakita ko na active siya sa Facebook kaya chinat ko. Ayokong sayangin ang isang taon para lang sa walang kwentang dahilan. He fell out of love? Ang panget ng palusot niya.

Nakita ko na lumitaw ang chat heads niya sa cellphone ko at binasa ito. " Gusto ko lang saktan ka para makalimutan mo na ako." What the fuck anong klaseng excuses ito.

Unti unting nanghina ang mga tuhod ko, niyakap ko ang unan na hawak hawak ko. Wala na rin pag hinto ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. That's was so unfair, why though people leave. Required ba talaga n masaktan ka bago ka makalimot? Required ba talaga na saktan ka para lang makalimutan mo ang taong iyon?

Lumipas ang magdamag at hindi parin ako makatulog hindi ko na din siya nireplayan. Patuloy lang ako sa pag masid  sa cellphone ko. Baka saakaling bawiin niya ang sinabi niya dahil ayaw niya na nasasaktan ako.  Napabalikwas ako nang umilaw ang cellphone ko at tumatawag ang isang unknown number.

"Hello... Rica si trisha ito." Sumama ang timpla ng mukha ko nang narinig ang nagsalita. " Sorry.. Patay na si Benedict.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa palabas na ito.

" Tama na Trisha, akala mo ba maniniwala ako sa mga katangahan na ganyan?" naiinis na sambit ko. Patuloy lamang ito sa pag hikbi.

" Huwag ka nga-ngang um-iyak." kinakabahang  sambit ko. Patuloy lamang ito sa pag iyak ibinababa ko na ang tawag at nag bukas muli ng Facebook. Nakita ko ang mga post ng mga kaibigan namin. Hindi ko na mapigilang mapahagulhol ng malakas. Trisha's right, wala na si Benedict inatake daw sa puso.

Binuksan ko ang conversation namin at nag flood ng chat. Ang tagal ko na naghintay sa reply nito ngunit wala parin. Hanggang sa nag post ang mama niya na wala na talaga si Benedict.

Binasa ko ang huling chat niyo sa akin. "Gusto ko lang saktan ka para kalimutan mo na ako." That was the last message that I received from him. Now I know, kung bakit ganun siya sakin. Sana sinabi niya nalang, hindi yung patuloy akong nasasaktan.

Dedicated to Rica May Rosano.

-

Happy reading Everyone ♥️

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now